Chapter 4

514 15 0
                                    

Bumped

Pagkalabas ko sa silid na iyon, ay nakahinga agad ako nang sobrang luwag. Paano ba naman pigil na pigil ang paghinga ko kanina. Dumagdag pa na nakatulog ako sa couch nito, dahil sa pagkahimatay.

"Isabelle ano ba 'yang ginawa mo. Sobrang nakaka-bobo at nakaka-hiya," I whispered and sermonizing myself.

Hindi ko naman nakalimutan 'yong sinabi ni Sir Rafael na pumunta muna ako ng HR department para ipaalam na tanggap na ako bilang secretary niya. At mabuti na lang naging maayos-ayos na rin ang pakiramdam ko at pati na rin ang pagkirot ng ulo ko.

Bakit ba kasi ngayon pa sumakit ang ulo ko. Sana kahit sa ibang araw na lang. Ilang araw ko na rin itong nararamdaman, minsan naman okay naman ako. Pero may time naman na para bang binibiyak ito sa sobrang sakit. Hindi naman ako makapag pa check up at ayaw ko rin namang pumunta sa ospital.

Tiningnan ko naman ang cellphone ko at nakita kong ala una na ng hapon. So, ilang oras ako nakatulog sa loob ng opisina ni Sir Rafael? Binilang ko muna kung anong oras ako nakarating dito at kung anong oras ako pumasok sa opisina niya. Napatampal na lamang tuloy ako sa noo ko, nang marealize kong apat na oras din ang itinagal nang pagkakatulog ko sa couch niya. Ano kaya ang itsura ko? Nainis kaya ito dahil mas naistorbo ko siya? Halata naman kasi kanina nang magising ako. Ayaw pa nga yata nitong kinaka-usap ko ang kaibigan niyang si Sir Javier.

"Nako wala na akong maihaharap nito," I said problematically.

Napalagay ko na lamang ang dalawang palad ko sa mukha ko at para bang hiyang-hiya sa nagawa. Puwede na rin yata akong kainin ng semento at tiles ngayon.

Pero nakakapagtaka lang bakit sa loob pa 'ko ng opisina niya. May medic naman siguro sa kompaniyang ito at clinic, kung saan puwedeng maglagi muna pag masama ang pakiramdam.

Namula naman ang mukha ko, dahil ang doktor pa talaga nito ang pumunta sa opisina niya para matingnan ako kung maayos ba ang lagay ko.

Naglakad naman ako at nagtanong sa isang janitor na nakita ko sa hallway ng floor na ito. Kung nasaan ba ang floor ng HR department, at sabi naman ni kuyang janitor, nasa ibaba pa ng floor na ito ang HR department.

Kaya naman sumakay ulit ako sa elevator. Ayaw ko pa namang sumakay dito dahil nalulula ako pag umaandar na ito. Hindi naman ako nahirapan na hanapin ang HR department, dahil nakita ko naman agad ito. Pagkapasok ko naman ay nagtanong agad ako sa babaeng nakita ko. Pero ang sabi niya naman sa akin ay ipina ayos na raw ito ni Sir Rafael sa iba. Kaya wala na akong dapat pang gawin. May sinabi lang ang HR sa akin at pinicturan na rin ako, para sa magiging id ko. At sinabi nito na puwede na akong umalis at umuwi.

Nag pasalamat naman ako nang matapos ako roon. Bumaba na rin ako sa first floor. Para makauwi na at magpahinga. Marami-rami pa rin ang mga tao. Gaya nila ay masaya rin akong natanggap sa trabahong pinag-applayan ko. May nakita naman akong ibang tao at para bang nanlumo dahil siguro sa masamang resulta.

Hindi naman ako nagtagal doon, dahil umuwi agad ako sa apartment na tinutuluyan ko ngayon.

Ito na siguro ang umpisa para mamuhay ulit ng mapayapa.

Nang pagkarating ko ay agad kong nakita si Tina Fina na nagwawalis ng mga kalat sa harapan nang kaniyang apartment. Kaya pinuntahan ko kaagad ito at binati.

"Tita Fina! Natanggap po ako! Maraming salamat po sa inyo," I said in a blissful tone.

Nakita ko ang gulat at tuwa sa mukha niya ngayon. Nahinto rin ito sa pagwawalis.

"Mabuti naman, Isabelle at natanggap ka agad. At saan ka ba mag tatrabaho?" she asked. "Sana naman doon ka sa Lacson Trading Company. Malaki kasi ang sweldo at nararamdaman kong doon tatakbo ang buhay mo!" she said in a playful tone now.

The Painful Love Of Therese (GSS #1 COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon