Lunch
"Tama na po...!" Sigaw ko.
Napa-bangon naman ako, dahil sa masamang napaginipan ko. Habol-habol ko pa ang hininga ko at basang basa na ng pawis ang noo ko, na dumadaloy naman sa mukha ko at nagsama na rin ang mga luhang tumatakas sa mga mata ko.
Hindi ko alam kung bakit iyon ang napaginipan ko. Sobrang nakakaawa ang natamo ng batang babae sa panaginip ko. Hinahampas ito sa ulo at sinasaktan na para bang asong gustong patayin at katayin. Pero hindi ko masiyadong nalinawan ang mukha nito.
Gustong-gusto ko siyang tulungan at puntahan, pero ayaw gumagalaw ng mga paa ko. Para bang may pumipigil sa akin na pabayaan ko na lamang ang mga demonyong patayin ang batang iyon. Duguan na ito, umiiyak habang humihingi nang tulong. Tinatawag rin nito ang kaniyang mga magulang at mga kapatid. Hindi ko alam bakit sobrang sakit ng puso ko dahil sa panaginip na 'yon. Kaya sapo-sapo ko naman ito at hinimas- himas, para naman gumaan ang pakiramdam ko.
Nang mahimas-himasan ako ay napatingin ako sa may balcony at hindi na napansin na malapit na palang sumikat ang araw. Kaya napatingin naman ako sa cellphone ko.
Mag sisix na. Kaya mabilisan naman akong pumunta sa banyo at naligo. Wala pang sampung minuto ay tapos na akong maligo. Mabilisan lang ang pag-aayos ko at bumababa na rin agad.
"Tita Fina, pabili nga po ng kanin. Doon na po ako kakain sa pinag tatrabahuhan ko," I said, while still in a hurry.
Para akong kuneho na ayaw mahabol ng pagong dahil sa bilis ng kilos ko ngayon. Ayoko lang namang ma late sa unang araw ng trabaho ko.
Kaagaran niya namang ibinigay sa akin ang kaning ibinili ko sa kaniya. Mabuti na lang, kahapon ay nakabili ako ng lunch box. At nagdala na rin ako ng delata para pang ulam ko mamayang tanghali. Ayoko na munang mag bawas pa ng pera ko, dahil nag titipid muna ako ngayon. Ang kakainin ko na lamang ngayong umaga ay biscuit. Hindi naman ako mabilis magutom. At sumakay na nga ako sa tricycle, na dumaan sa harapan ng apartment ni Tita Fina.
Pagkarating ko sa Lacson Trading Company ay mag qua-quarter to 7 na kaya nagmamadali naman akong pumasok. Pero tinanong pa 'ko ni kuyang guard, kung dito raw ba ako nagtatrabaho. Kaya sinabi ko naman sa kaniya na ako ang bagong secretary ni Sir Rafael.
"Kuya malelate na po ako, puwede na po ba akong pumasok?" I asked the guard and couldn't help but to panicked.
Bakit kasi ang dami pang tanong.
Pinapasok niya naman ako kalaunan at pina-signed up muna sa log book niya, kung anong oras ako dumating.
Pumasok na nga ako sa elevator at pinindot na ang floor kung nasaan ang office ni Sir Rafael. Baka naandoon na si Miss Chathy.
Si Miss Chathy yung nag interview sa akin kahapon.
Nang tumunog na ang elevator at bumukas, nagmamadali na agad akong lumabas sa elevator, dahil malapit na akong malate.
Nadatnan ko naman si Ms. Chathy sa kaniyang lamesa, na magiging lamesa ko na rin pag umalis na siya rito. Ang lamesa ay nasa harapan lang ito ng opisina ni Sir Rafael. At nakita ko naman siyang nag-aayos ng kaniyang mga gamit, na nilalagay na nito sa mga box. Kaya binati ko naman ito kaagad.
"Good morning po Miss Chathy. I'm Isabelle, ako po yung natanggap bilang bagong secretary," aniya ko.
"Oh! Hi Isabelle. Welcome to the Lacson Company and congratulations for being the new secretary. Are you okay now? You passed out yesterday. Mabuti na lang at naandoon si Sir. I was shocked when he told me that you passed out. Minadali niya pa akong tawagin ko raw ang personal doctor dito sa kompanyang ito. At hindi naman gano'n si Sir sa pagkakilala ko sa kaniya. Hindi kasi iyon natataranta, kaya nakakagulat," mahabang lintaya niya at sabay lahad niya ng kaniyang kamay sa akin para makipag shakes hand.
BINABASA MO ANG
The Painful Love Of Therese (GSS #1 COMPLETED)
Romance❤️COMPLETED❤️ [Under Editing] Gutierrez Siblings Series #1 Therese Isabelle Bitalyes. Walang pamilya ulila na lamang ito. At walang katuwang sa buhay. Hangad niya lang naman ay ang makapagtapos sa pag-aaral. Magkaroon ng sariling bahay. Pera para sa...