Chapter 12

344 12 0
                                    

Courting

Sobrang lapit nga nito sa akin, amoy ko ang kaniyang panlalaking pabango, na sobrang nag papabaliw sa akin ng husto. Gusto ko nang buksan ang mga mata ko pero pinipigilan ko ito.

Nakapikit pa rin ako hanggang ngayon, pero narinig ko na lamang ang kaniyang mahinang pagtawa. Kaya binuksan ko ang matang pilit sanang ipinipikit at nakita ko siyang nakalayo na sa akin at nakangising tinitingnan ako.

Naka pamaywang ito at naka-hubad na ang pang itaas na damit. Hindi ko namang mapigilan na tumingin sa maganda nitong katawan. He has a six packs abs, na kung hahawakan ay sobrang tigas. Ang kaniyang mga braso ay may mga muscle rin. Palagi ba itong nag gigym, ba't grabe ang hubog ng katawan nito? Napailing-iling naman ako sa mga naiisip kong kahalayan. At nakatulala na pala akong nakatingin sa katawan ni Rafael. Bumalik naman ako sa aking wisyo nang tumikhin ito.

"Are you done examining me, Therese? Can I know, what's on your mind?" he asked temptedly.

Kaya naibato ko naman sa kaniya ang unan na nasa gilid ko. Pero nasalo niya naman kaagad ito at humalakhak na para bang walang bukas.

"Napakasaya mo ngayon Rafael, para kang nanalo sa lotto niyan," lintaya ko naman sa kaniya na masama na ang tingin.

"Therese, I'm already a rich man. I have trillions in my banks. For the past years, I actually thought that I'm a successful man already. I have everything I ever wanted, but you came to my life and I never thought, I'll ever long for someone like this. You are my treasure and I would rather win your heart, rather than to win in the lottery game. Puwede na kitang buhayin, hanggang sa pagtanda natin," he said in a manly voice, habang lumalapit na ito sa akin.

Napanganga naman ako dahil sa sinabi nito. Direct to the point siya magsalita na minsan hindi ko alam ang sasabihin at para akong natameme sa sinabi niya. Pinaharap niya ako sa kaniya at dahan-dahang hinawakan ang aking mukha.

"Therese, I like you..., no that was before!... Now, I could say that I love you. I don't know why, where, how it started... Is just..., one day I can't forget about you. You've been always on my mind. You driving me crazy. I can't forget about your beautiful smile. I couldn't even sleep, pag hindi man lang kita makita o maka-usap. Why, Therese? Bakit ginagawa mo akong baliw sa pag-ibig na 'to?" sabi na nito, na para bang tinutunaw ako ng kaniyang mga titig.

"Rafael," nasambit ko na lamang sa kaniya. Hindi ko alam ang sasabihin.

Ilang months ko na rin siyang nakilala dahil sa trabaho. Pero sa gabing ito, para akong kandila na unti-unting nalulusaw at hindi alam ang sasabihin o gagawin man lang. Para akong pipe, pero ang puso ko walang humpay naman sa pagkabog dahil sa mga salitang binitawan ni Rafael.

Gusto niya 'ko. Mahal niya 'ko! Pero may fiance siya!

"What, Therese? Can you say it. Please, say something," sabi nito na para bang kabado rin siya sa sasabihin ko.

Ngayon lang ba siya ng confess na gusto niya ang isang babae o marami na siyang nasabihan ng ganito? Pero ayoko naman na mag conclude sa ganoong bagay at bigla na lang ijudge si Rafael. Dahil sa ilang buwan ay wala naman akong nakilala na babae niya. Ang nakilala ko lamang ay itong si Ms. Ellaina na fiance niya. Nasabi niya na rin kaya ang katagang iyon?

Need ko bang itaya ang sarili ko? Pero kahit ano man ang gawin kong pagtanggi na hindi ko gusto ang lalaking nasa harapan ko, pero sa isip at puso ko alam kong tumitibok ito para sa kaniya.

"Rafael, hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko," lintaya ko naman takot na tumingin sa kaniyang mga mata.

Pero napangiti naman ito sa akin. At inayos ang takas na buhok na sumasagabal sa mga mata ko. Hindi naman ako makatingin sa kaniya ng maayos.

The Painful Love Of Therese (GSS #1 COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon