Ready
Hindi naman ako makapagsalita sa sinabi nito. 'Bakit ayaw niya ba akong bumalik muli. May kasalanan pa ito sa akin. Ang sarap ng ungol niya sa kabilang linya, 'yon pala wala naman doon si Rafael.'
Lumapit naman ito sa akin nang lumapit, ako naman ay umatras na lang. Ayokong makipag-away sa dalawa at narito kami ngayon sa mall, ayokong gumawa ng gulo.
"So bumalik kana kay Rafael, hindi pa ba sapat na iniwan mo siya? We're happy, when you left. Then you're back now at malalaman ko na lang na umalis si Rafael para makita ka lang." She said in a very furious voice.
Hindi ko naman mapigilang tingnan siya sa kaniyang mga mata. Kitang kita ko rito ang pagtitimpi na saktan ako.
Gan'to ba talaga siya ka desperada na maangkin si Rafael at mapasakaniya. Kapatid ko siya pero sumusobra na siya. 'Oo nga pala, Isabelle. Hindi niya naman alam na kapatid ka niya, dahil ang alam lang nila ay matagal ka nang patay.'
"Asawa ko si Rafael at wala ka nang magagawa pa ro'n." I said bravely.
Hindi ko alam kung saan ko hinugot ang lakas ng loob ko na sabihin iyon sa kaniya.
"I don't like you, as my sister in law. So get lost. You ruining my Kuya Rafael and Ellaina's relationship." Ms. Ara said in a very sarcastic tone.
Siya naman ang binalingan ko, wala naman akong ginagawa sa kaniya pero sabat naman ito nang sabat. Kaya naman naiyukom ko na lang ang dalawang palad ko. Gusto ko mang sumagot talaga sa kanilang dalawa pero, mas nakakatanda sila sa akin ng ilang taon.
"Are you mute. Talk to us!" My sister yelled at me.
Kaya naman nakuha namin ang atensiyon ng mga taong dumadaan.
Tiningnan ko naman siya ng maigi, may kaunting pagkahawig nga kami, pero mas lamang ito sa akin ng tangkad at tingkad ng kaniyang kutis, mahaba pa rin ang buhok nito. Hindi katulad sa akin na maikli na ang buhok ko ngayon.
"Wala naman akong dapat pang sabihin sa inyo. Mahal ako ni Rafael...-"
Hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko nang sinampal kaagad ako ni Ms. Ellaina at sinabunutan. Ganoon din ang ginawa ng kapatid ni Rafael sa akin.
Wala akong magawa, dahil mas malakas pa sila sa aking dalawa. Ang hapdi rin nang pagkakasampal sa akin ni Ms. Ellaina, samahan mo pa nang pagsasabunot nila sa aking dalawa.
Namumuo na rin ang luha sa aking mga mata, dahil patuloy pa rin sila sa pagsabunot sa akin.
"Wala akong ginagawa sa inyong dalawa... Binatawan niyo ako...-" Pag-aalis ko sa mga kamay nilang nakasabunot parin sa buhok ko.
Sobrang sakit ng anit ko at ngayon ay tumutulo na rin ang mga luha ko.
"You made some wrong decisions. I'll make your life, living as hell, Isabelle." She said angrily.
At patuloy pa rin ito sa pananabunot sa akin.
Naaninag ko naman ang mga taong nakapalibot sa amin ngayon. Nakita ko naman si Angela na mabilis na pumupunta sa gawi namin ngayon.
"Shit, call some security guard now." She screamed in panicked.
Hindi ko alam kung sino ang kinausap nito o siguro ay sumigaw na lamang ito, para may tumawag nga ng mga guard.
Naramdaman ko namang iwinaksi niya si Ms. Ara kaya napa-upo ito sa sahig. Pero si Ms. Ellaina naman ay wala pa ring tigil sa pagsasabunot sa akin at nanlalamig din ako, dahil sa sakit na nararamdaman ngayon.
BINABASA MO ANG
The Painful Love Of Therese (GSS #1 COMPLETED)
Romance❤️COMPLETED❤️ [Under Editing] Gutierrez Siblings Series #1 Therese Isabelle Bitalyes. Walang pamilya ulila na lamang ito. At walang katuwang sa buhay. Hangad niya lang naman ay ang makapagtapos sa pag-aaral. Magkaroon ng sariling bahay. Pera para sa...