Hired
Pagkapasok ko ay dali-dali naman akong pumunta sa harapan ng lamesa at tumambad naman sa akin ang lalaking nasa swivel chair nito at may maraming ginagawa.
Ininda ko muna ang sakit ng ulo ko bago magsalita, kahit na ang lalaking nasa harapan ko ay nakayuko pa rin, dahil sa dokumentong binabasa at pinipirmahan nito. Kahit hindi niya pa iharap sa akin ang kaniyang mukha, paniguradong sobrang gwapo nito. Sa buhok palang nitong sobrang pino at dahil naka side view ito, kita ang makinis at matangos niyang ilong.
Kaya yata siguro hindi magkamayaw ang mga babaeng nag-aapply dahil gwapo nga ang may ari ng kompaniyang ito.
Nakita ko ang pagtaas ang kamay niya na parang nagmistulang magsimula na 'kong magpakilala sa kaniya.
Bago pa man magsalita ay kumuha muna ako ng bwelo. Huminga rin ako nang malalim para mawala wala na ang pag kirot nang sintido ko. Pati na ang kabang mas namuot sa katawan at puso ko. Para itong nakikipag-karerahan at ayaw tumigil sa pagtakbo, para marating lang ang finish line.
"Good morning Sir. I'm here to give you my resume. I'm the next applicant for the position of the new secretary. I'm Therese Isabelle Bitalyes, Sir. I'll do my best. And I hope you'll hire me as your secretary!" sabi ko nang pagkabilis bilis. Kaya hinapo naman ako, dahil doon.
Pagkatapos kong magsalita ay lumanghap agad ako ng hangin. Parang mawawalan ako nang hininga, dahil sa ginawa ko. At napapapikit pa rin dahil sa sobrang tibok nang sintido ko.
Please not now. Huwag ka munang bumigay Isabelle.
Hindi naman nagtagal ay tumingin na nga ang lalaking nasa harapan ko. At nagka-salubong agad ang aming mga mata. Sobrang ganda ng mga mata nito. His ash gray eyes that mixed with a pure color brown eyes. Hindi ko ma explain, pero nag aagawan talaga sa dalawang kulay ang kaniyang mga matang magaganda.
My spine is now shaking, dahil sa titig na ipinupukol nito sa akin, and now his eyebrows rising at me. Then, he look at me from head to toe. Nakasandal na rin ito ngayon sa kaniyang swivel chair at ang kanang kamay naman nito ay nasa ibabang labi niya.
Grabe siya kung kumilatis at tumitig sa akin. Parang mabubuwal na 'ko rito sa kinatatayuan ko. Sobrang awkward, hindi ko alam kung titingin pa ba 'ko sa kaniya o huwag na lang. Kaya inilibot ko na lamang ang aking mga mata sa loob ng kaniyang opisina.
Malaki ito na puwede nang ipaghambing sa isang 200 sq. meters na bahay. May couch ito sa bandang kaliwa, may flat screen na tv sa harapan nito at naroon din ang kaniyang coffee table. Sa right side naman ay naandoon ang kaniyang dining area. At sa gilid naman nito ay mayroong dalawang nagtataasang book shelves na puno ng mga libro. Napaharap naman ako sa kaniya at napaka-lawak din ng kaniyang lamesa. May computer desktop doon, at isang laptop. Marami rin siyang mga papeles na pinepermahan at binabasa.
Tumikhim naman ito na nagpabalik sa aking wisyo. Dahil sa biglaang pagtikhim ay gusto ko na lang mapa-upo sa sahig, dahil sa pagngatal ng tuhod ko, isama mo na rin ang ulo kong gusto na yatang bumigay dahil sa sobrang sakit.
"Hmmm... Therese Isabelle? Okay! Give me your resume and other forms," he said in baritone, umayos na sa pagkakaupo, habang nakalahad ang kamay nito sa akin para kunin ang hawak kong mga papeles at para makita nito.
Ibinigay ko naman ito sa kaniya. Mabuti na lang ay hindi nanginig ang mga kamay ko habang ibinibigay ang mga forms sa kaniya. Binasa niya naman ito agad. At nag-isip isip pa, mga tatlong minuto rin siguro ang itinagal nang pag iisip nito. Mabilis siyang magbasa, pero napatagal lang ito dahil sa kakatitig nito sa resume ko.
Hindi ko alam kung ano pa ang mararamdaman ko dahil ang pagtaas lang ng kilay nito ang napapansin ko at pagkislop ng kaniyang mga labi.
Tanggap kaya ako o hindi. Sana naman tanggapin ako nito, kahit first time ko pa lang na mag trabaho ng ganito.
BINABASA MO ANG
The Painful Love Of Therese (GSS #1 COMPLETED)
Romance❤️COMPLETED❤️ [Under Editing] Gutierrez Siblings Series #1 Therese Isabelle Bitalyes. Walang pamilya ulila na lamang ito. At walang katuwang sa buhay. Hangad niya lang naman ay ang makapagtapos sa pag-aaral. Magkaroon ng sariling bahay. Pera para sa...