Chapter 17

323 11 0
                                    

Jollibee

Nakita ko naman siyang nakapwesto na sa labas ng kotse nito. Aba! napaka ayos yata ng dating niya ngayon. Naka pambahay lang ito at naka ray-ban kahit na madilim naman. At naka sandal din ito sa hood ng kaniyang ford na sasakyan. Na miss ko nang sobra ang kaibigan ko, siya lang itong karamay ko ng nawala si Lola sa akin. Siya rin ang naging kapatid ko kahit na hindi naman kami talaga magka-dugo. Simula't bata pa lang kami siya na ang kasama ko, at ang iba niyang pinsan na mga lalaki.

Mahina naman akong tumakbo para malapitan siya kaagad at niyakap nang napaka-higpit at hinalikan nang napaka-raming halik sa kaniyang pisngi.

"Isabelle, tama na. Wala nang hahalik sa akin niyan," sambit kaagad nito sa akin, may pag punas pa ito ng pisngi niya na para bang may laway akong naiwan doon.

"Iyan kaagad ang naiisip mo. Hindi mo man lang ako babatiin. Wala talagang magkakagusto sa'yo niyan kasi nga sadista ka," wika ko habang mahigpit siyang niyayakap at kumalas din kalaunan.

"FYI, Isabelle. Baka nahanap ko na nga ang the one ko, e. Kaya lang nakakabwesit ito," she said while laughing at me.

"Huh? Kakarating mo lang dito, e. Tapos may the one ka na kaagad, sa'n mo ba nakita 'yang the one mo huh?" I asked her confusedly but still grinning her.

Minsan talaga napakarami niyang gusto na lalaki, pero pag niligawan na ito ayaw niya naman dahil iba daw ang taste at standard niya. At kung sino man ang the one na sinasabi ni Angela, haharap muna ito sa akin. Minsan lang magka-gusto ang kaibigan ko, ayoko naman na ibigay siya sa lalaking hindi niya magiging deserve 'diba.

Tumatawa-tawa naman ito na para bang loka sa kalye, pero napawi rin naman kaagad iyon. Kaya hindi ko na lang muna siya pinansin.

Lumingon lingon naman ako, kung naandiyan na ba si Rafael pero wala pa ito.

"Hmm. Ange wait lang ha. Kahit mga ilang minuto. Huwag muna tayong umalis." lintaya ko habang palinga-linga na para mahanap si Rafael.

"And why, Isabelle? Kanina pa 'ko rito at nilalamok na. May hinihintay ka ba?"

Binatukan ko naman ito, parang ako na yata ang nagiging sadista sa aming dalawa.

"Gaga, paano ka hindi lalamukin, tingnan mo nga iyang suot mo. Naka sleeveless ka tapos ang ikli-ikli pa ng shorts mo. Hindi ka man lang nag jacket niyan," pangangaral ko sa kaniya.

"Duh, I'm so excited to fetch you kaya. At susunduin lang naman kita, tinatamad 'din akong mag ayos ng sarili ko. Sino bang hinihintay natin ha? May itinatago ka ba sa akin?" sabi nito na ng lilisik na ang mga mata sa akin.

"At bakit ganiyan ang hair style mo? Para kang multo niyan, ang haba pa naman ng buhok mo," dagdag na sambit naman nito, na nahalata yata ang buhok ko.

Gamit ang isang kamay na walang sugat sa braso, inayos ko naman ang aking buhok. At nginitian lang si Angela. Baka kasi makita pa nito na may sugat ako. At may maliit din akong pasa sa pisngi. Pag nalaman niya ay papaulanan ako nito ng tanong kung saan ko ito nakuha.

Magsasalita na sana ako. Kaya lang bumungad na sa harapan namin si Rafael at kasama si sir Javier. Kinurot naman ako ni Ange sa kaliwang kamay ko, hindi naman ito masakit, kaya nilingon ko ito.

"Bakit?" I whispered.

"Gosh, Therese. Siya yung sinasabi ko sa 'yong the one ko. Kaya lang...nevermind na lang!" sabi naman nito sa akin na nginuso nang mabilisan si sir Javier. At tumingin tingin naman kaagad sa iba, habang naka krus na ang mga braso nito.

The Painful Love Of Therese (GSS #1 COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon