Chapter 13

347 10 0
                                    

Green minded

"Please, 'wag niyo siyang saktan. Please 'wag, 'wag, 'wag!"

"Therese, Therese! Wake up!"

Iyon kaagad ang narinig ko na sinasabi ni Rafael nang magising ako sa isang bangungot.

Para akong na bibingi dahil sa masamang panaginip na napa-ginipan ko ngayon-ngayon lamang. Dumadalaw na naman sa akin ang masamang panaginip na iyon, akala ko tapos na pero may kasunod pa ito na mas nagpapasakit sa puso ko.

Hindi ko na kaya ang mga ginagawa nila sa batang babae na palagi kong napapaginipan. Humihingi pa rin ito nang tulong, pero hanggang sa panaginip ko ay hindi ko pa rin ito matulungan o malapitan. Nakadikit pa rin ang paa ko, at tamang pagmasid at panonood lang ang kaya kong gawin para natulungan ito. Nakahandusay na ito sa panaginip ko at malapit nang mawalan ng malay.

Napayakap naman ako kay Rafael nang napakahigpit. Niyakap din naman ako nito at inalo. Tumutulo pa rin ang mga luha ko, dahil sa napaginipan. Ilang minuto ang nakaraan ng inalis na ni Rafael ang pagyakap sa akin at iniharap ako sa kaniya.

"What's wrong, Therese? May masama ba sa 'yo?" he asked me worriedly.

"May masama akong napa-ginipan, Rafael. Gusto ko siyang tulungan pero hindi ko ito malapitan," hikbi ko pa rin.

Hindi ko alam pero sa panaginip na iyon ramdam ko ang sakit na nararamdaman ng batang babaeng 'yon. Napaka-walangya nila para gawin iyon sa bata, wala silang puso.

"Hush now, Therese. Palagi mo ba itong napapaginipan?" he asked me carefully, while patting my head. Nag tiim bagang din ito, malalim ang iniisip.

Tumango naman ako sa kaniya. Bumuntong hininga ito at lumabas muna para kumuha ng tubig, para makainom ako at para gumaan-gaan naman ang pakiramdam ko.

Hindi naman natagalan si Rafael sa pagkuha ng tubig. Ibinigay niya 'agad ito sa akin at ininom ko naman ito. Kinuha niya naman nang natapos akong uminom at nilagay sa bedside table.

"Rafael, what time is it?" tanong ko na ng umayos-ayos ako.

"It's 4am in the morning, so matulog ka pa," sabi naman nito ay inayos ang pagkakahiga ko at kinumutan.

Hindi na 'ko nagsalita muli, dahil siguro sa bigla at ilang oras lang ang tulog ay nakatulog agad ako, pero bago no'n ay naramdaman ko ang yakap ni Rafael at halpos sa aking buhok na para bang protektado ako nito laban sa masamang panaginip.

Nagising naman ako, dahil sa lakas ng kulog at ulan. Sobrang lamig mabuti na lang may katabi ako. At napangiti naman ako dahil si Rafael kaagad ang bumungad pagkagising ko. Tulog pa ito at naka-yakap sa akin. Ako naman ay nasa may dibdib nito at naka-yakap din sa kaniya.

Gusto kong kumalas dahil sa pwesto namin, pero hindi ko ginawa dahil mas gusto ko ang pwesto naming ito lalo na rin sa panahon.

Tiningnan ko naman ang kaniyang gwapong mukha, wala ka talagang maipipintas na salita laban dito. Ang maamo nitong mukha na ang sarap hawakan at hinding- hindi nakakasawang titigan. Ilang minuto rin ang itinagal ko sa pagtitig ng gwapong mukha ni Rafael. Gumalaw naman ako nang mahina at tiningnan ang alarm clock na nasa bedside table nito. Alas sais na pala ng umaga.

Kaya kahit na ayaw ko pa sanang tumayo ay dahan-dahan ko namang inalis ang kaniyang kamay na nakayakap sa akin. Pati na rin ang kaniyang hita na naka-patong sa aking binti. Maayos ko naman itong natanggal. Pagkatayo ko ay kinuha ko ang remote ng kaniyang aircon para pahinaan ito, dahil malamig na rin naman.

Dahan-dahan naman akong naglakad papunta sa bathroom nito. Inayos ang sarili at nag sipilyo na rin ng ngipin. Pagkatapos ay dahan-dahan ulit akong lumisan sa kaniyang kwarto at pumunta sa kaniyang kitchen.

The Painful Love Of Therese (GSS #1 COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon