Family Dinner
Namomroblema naman ako hanggang sa pagkauwi ko sa apartment. Wala naman akong maayos na mga damit. Mayroon naman pero hindi ko alam kung kasiya pa ba ito sa akin.
Hinalughog ko ang aking aparador para makapag-hanap nang maisusuot mamaya. May nakita naman akong dress kaya lang ay parang maliit na ito sa akin. Noong 19 years old ko pa kasi ito binili, no'ng birthday ko.
Isinukat ko naman ito at nasa hanggang hita ko na ito. Hindi naman masama ang pagkakaikli, sa katunayan nga ay mas bumagay pa sa akin ang bestidang puting at napaka simple lang nito kahit na walang ka disenyo- disenyo. Natatawa na lamang ako at bakit puti pa ang isusuot ko mamaya.
Naligo na nga kaagad ako at nag-ayos. Ang bagsak ko namang buhok ay itinirintas ko sa magkabilang gilid ng sintido ko at pinagsama para maitali ito. Naglagay na rin ako ng powder sa aking mukha at lipgloss sa aking labi. Isinuot ko naman ang palagi kong isinusuot na black sandals. At ang pinakahuli ay ang baby cologne ko.
Hindi naman ako nakaka-pamili ng mga gusto ko. Kahit perfume ay hindi na ako bumili. Ang unang sweldo ko ay pinambayad ko sa renta ng apartment ko at bumili ng mga kakailangin sa araw araw na needs ko. At ang natira ay iniipon ko, hanggang ngayon. Wala naman akong mga importanteng bibilhin. At nabili ko na rin ang mga kulang dito sa apartment.
Bago lumabas ng apartment ay sumulyap ulit ako sa salamin, para tingnan muli ang sarili ko kung maayos na ba ito. Pag patak ng alas sais imedya ay lumabas na ako sa apartment para bumaba.
Tumupad naman ito sa kaniyang pangako, dahil naandito na ito sa harapan ng apartment ko. Nakita ko pa nga na maraming tumitingin na mga estudyante sa kaniya na nagrerenta rin sa paupahan ni Tita Fina.
Kahit gabi na ay kitang kita pa rin ang gwapo nitong mukha. Nakasandal naman siya sa kaniyang kotse at naka cross arms pa ito. Naka suot siya ng long sleeves na kulay black at ang relo nitong kumikinang. Hindi naman nagtagal ay nakalapit na ako sa kung saan siya naka-pwesto. Bigatin talaga siya, kaya naman pala pinag-titinginan dahil na rin sa dala niyang sasakyan.
Nginitian ko naman siya at binaliwala muna ang nangyari kahapon at kaninang umaga. Pero hindi ito tumugon sa mga ngiti ko.
Napangiti na lamang tuloy ako ng pilit. Minsan talaga hindi ko maintindihan ang mood swings niya.
Binuksan niya ang passenger seat para papasukin ako. Pagka-upo ko naman ay kaagaran niya nang inilagay ang seat belt sa akin at sinarado na ang pintuan nito. Pumunta naman siya sa driver seat at hindi nagtagal ay binuhay niya na nga ang makina ng kaniyang sasakyan.
Habang nasa byahe kami ay hindi ko pa rin mapigilan na mag-isip nang mag-isip tungkol sa relasyon ni Rafael at ni Ms. Ellaina.
Patingin-tingin lang ako sa labas ng bintana pero hindi ko na mapigilan ang sarili ko kaya naman binasag ko ang katahimikan sa loob ng kotse niya.
Umayos muna ako ng upo at tumingin sa kaniyang direksiyon. Siya naman ay naka concentrate lang ito sa pagmamaneho.
"May problema ka?" bigla kong tanong.
Tumingin naman ito sa akin at bumalik ulit ang mga mata sa daan. Hindi niya pa rin ako kinikibo kaya naman hinawakan ko na ang braso nito.
Umigting naman ang panga nito na para bang ginalit ko na naman siya. Kaya naman inalis ko ang pagkakahawak sa kaniyang braso. At umayos nang upo.
"Pssst. Rafael may nagawa ba akong mali? Ba't ang cold mo sa akin," sitsit ko sa kaniya at tinanong.
Nakita ko namang may sumilay na ngiti sa kaniyang mga labi, pero tumikhim ito para hindi ko siya mahalata. Pero nahalata ko naman ito.

BINABASA MO ANG
The Painful Love Of Therese (GSS #1 COMPLETED)
Romance❤️COMPLETED❤️ [Under Editing] Gutierrez Siblings Series #1 Therese Isabelle Bitalyes. Walang pamilya ulila na lamang ito. At walang katuwang sa buhay. Hangad niya lang naman ay ang makapagtapos sa pag-aaral. Magkaroon ng sariling bahay. Pera para sa...