Chapter 27

281 9 0
                                    

Ignore

Pinabayaan ko na lang siya sa kaniyang ginagawa. Dahil naliligo na rin yata ito. Ako naman ay umayos na ang pakiramdam, dahil sa mabangong amoy na inilagay at sa maligamgam na tubig dito sa bathtub.

Mga ilang minuto pa akong naka-babad sa bathtub at si Rafael ay hindi pa rin tapos.

Kaya binilisan ko naman ang pagba-babad nang katawan ko sa bathtub. Pinalitan ko na rin ng bagong tubig para sa pang banlaw ko. Bilis na bilis naman ako sa ginagawa ko, para hindi ako maabutan ni Rafael dito.

Hindi naman nagtagal ay umalis na nga ako sa bathtub at nagsuot na ng bathrobe. Mabuti na lang ay naka-ayos na ako bago pa siya lumabas sa shower room. Nakahinga rin naman ako nang maluwag, dahil nakita ko itong nakatapis ng tuwalya sa pang-ibaba nito. Hindi ko talaga mapigilan na ipaghambig siya kay Hades. One word can l describe Rafael is a perfect man.

"You're done?"

Tumango lang ako sa kaniya ng hindi nakatingin. Pumunta ito sa sink at nagsipilyo. Kaya naman pumunta rin ako kung nasaan siya at tumabi para makapag-sipilyo na rin.

Hindi naman kami nag-imikan. Nakita ko naman itong nakatingin sa salamin at tinitingnan lang ako ng maigi.

I just rolled my eyes to him. May kasalanan pa siya sa akin. At bahala siya sa buhay niya, hindi ko siya kakausapin. Kaya binilisan ko na lang ang pag sipilyo ko, para makatapos na. Nakangisi lang naman ito sa akin, at parang namamangha sa ipinapakita kong reaksiyon para sa kaniya.

Ako na ang naunang matapos sa kaniya at pumunta na sa walk in closet at sinarado ito. Bahala siya sa buhay niya. Ako na muna ang mauunang magbihis.

Ang suot ko naman ngayon ay white blouse na three fourth at blue pencil skirt. Sinuot ko na rin ang sapatos na palagi kong ginagamit. Siguro pagka sweldo ko bibili na lang ulit ako nang panibago.

Ang buhok ko naman ay basa pa, kaya pupunta pa ulit ako sa bathroom para roon i-blowdry ang buhok ko. Nakita ko naman si Rafael na nakatingin lang sa gawi ng kaniyang walk in closet. Tumayo naman ito sa pagkakaupo ng kaniyang kama. At hanggang ngayon ay nakatapis pa rin ito.

Inirapan ko lang siya at pumunta na sa bathroom para i-blowdry ang buhok ko. Mabuti't hindi na rin ito nangulit sa akin. Nagmamadali rin naman kasi kami, dahil naroon na pala ang parents niya sa company.

Pagkapasok ko naman ay nakita ko na ang sapin ng kama niya at ang comforter na nakalagay na sa bathtub. Mayroon na ring detergent liquid. Napangiti naman ako, dahil marunong naman pala ito sa gawain. Mga puti pa naman 'yon, kaya mamaya ko na lang 'yan lalabhan. Nakababad naman ito, para mamaya ay hindi na ako mahirapan.

Blinow-dry ko na nga ang buhok ko, nilugay ko na lang ito at naglagay lang ako ng lipgloss sa aking labi at baby powder naman sa aking mukha.

Naglagay narin ako ng baby cologne sa aking leeg at pulso. 'Gosh anong oras na baka naghihintay na ang mga magulang ni Rafael.'

Kahit na masakit pa rin ang gitna ko ay hindi na rin ako nahirapang maglakad. Ayoko namang paika-ika ako sa paglalakad. Nakita ko naman si Rafael na naka-ayos na. Kaya lang ay wala pa itong suot na necktie.

Nilapitan ko naman ito, para ako na ang mag-ayos ng necktie niya sa leeg nito. Ngumiti naman ito sa akin, pero hanggang ngayon ay iniirapan ko pa rin ito.

Inayos ko na nga ito. Siya naman ay titig na titig lang sa akin. At ilang dangkal na lang din ang pagitan ng aming mga mukha.

Mabuti na lang at wala itong ginawang karumaldumal ulit.

Napatingin naman ako sa wall clock at malapit ng mag 12 o'clock. Kinuha ko na lamang ang aking bag at si Rafael naman ay pumunta pa sa kaniyang opisina, para kunin ang kaniyang mga gamit.

The Painful Love Of Therese (GSS #1 COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon