Positive
Tatlong araw na ang nakaraan nang magpa check-up ako kay doktora, Maryntes. At hindi ko na alam ang gagawin ko.
Sa tatlong araw na iyon ay lagi nang sumasama ang pakiramdam ko. Pagkagising ko sa umaga palagi akong naduduwal at sumasakit ang ulo. At gusto ko na lang matulog palagi, hindi ko naman ito pinapahalata pa kay Nanang.
Minsan ay hindi na ako bumababa, dahil hindi na kaya ng katawan ko, para bang ang bigat na nito pag maglalakad pa ako. At hindi ko na rin mabalanse ang katawan ko.
Natatakot akong tawagan si Jaeros at sabihin na mas lumalala ang mga sintomas na nararamdan ko. Araw-araw naman itong tumatawag sa akin para kamustahin ako. Inaayos ko na lang muna ang boses ko para sabihin na maayos lang ang lagay ko. At ngayong araw na ito ma rereleased ang test para sa akin. Kinakabahan man ay mas lalo kong pinapatatag ang loob ko.
Narinig ko namang nag riring ang cellphone ko sa bed side table kaya naman tiningnan ko ito. Akala ko si Rafael, pero si Jaeros na naman pala ang tumatawag sa akin. Kaya sinagot ko naman ito.
"Isabelle, give me your address. I'll fetch you there." He said.
Narinig ko naman itong nagbusina siguro ay nasa sasakyan siya ngayon. Napatingin naman ako sa wall clock at alas syete pa lang naman ng umaga.
Sinabi ko naman ang address, kung nasaan ako ngayon.
"Okay, 10am sharp. I'll be there."
Tumango naman ako sa kaniya, kahit hindi naman ako nito nakikita. Para bang tinatamad na ako magsalita nang sobrang haba.
"Okay." I said in a low voice.
Hindi naman ito nagsalita, kaya ibinaba ko na lamang ang tawag nito sa akin.
Pagkarating ko naman noong gabing iyon ay, tinanong kaagad ako ni Nanang kong bakit sobra na akong nagabihan. Ayaw ko man mag sinungaling pero nasabi ko na lang sa kaniya na pinuntahan ko ang best friend ko kasama ang kaniyang pinsan.
Hindi naman ito nagtanong pa sa akin at pinakain na lamang ako nito. Kahit ayaw ng tiyan kong kumain ay pinilit ko ang sarili kong magkaroon ng lakas ang katawan ko.
Ngayong umaga naman ay naligo na lamang ako pagkatapos nang usapan namin ni Jaeros. Nagsuot na lamang ako ng dress na kulay sky blue na hapit na hapit sa aking katawan. Nagsuot na lang din ako ng doll shoes na itim para sa aking paa. Mabilis lang ang kilos ko, dahil gusto ko nang umupo o 'di kaya'y humiga na lamang.
Kinuha ko rin ang itinabing pera ko at nilagay sa aking wallet para may pera akong dala-dala mamaya. Ayoko naman kasing gamitin ang atm card ni Rafael. At inilagay na lamang ang wallet at cellphone sa purse na ginamit ko noon.
May narinig naman akong kumakatok at binuksan ang pintuan ko at pagtingin ko naman ay si Nanang iyon.
"Hija, dito ka ba ulit kakain o sa baba kana kakain?" She asked me.
"Naka-ayos ka? Saan ang punta mo? Okay ka lang ba hija, bakit ang putla mo yata? May masama ba sa iyo?" She added worriedly.
"Huh? Wala po ito Nanang sad'yang gan'to po ang mukha ko, dahil 'di pa po ako nakapag-lipgloss. At sa best friend ko po ako, Nanang pupunta. Sige po bababa na lang po ako." I said smiling at her. Para hindi na ito magtaka pa sa akin.
"Oh, siya! Pero tumawag na ba si Rafael sa 'yo? Ako nama'y tinatawagan ko rin siya sa telepono, pero palaging busy ang number nito."
"Ah hindi pa po Nanang. Baka busy lang po si Rafael." Iyon lang ang sinabi ko sa kaniya at tumingin na sa ibang bagay.
BINABASA MO ANG
The Painful Love Of Therese (GSS #1 COMPLETED)
Romance❤️COMPLETED❤️ [Under Editing] Gutierrez Siblings Series #1 Therese Isabelle Bitalyes. Walang pamilya ulila na lamang ito. At walang katuwang sa buhay. Hangad niya lang naman ay ang makapagtapos sa pag-aaral. Magkaroon ng sariling bahay. Pera para sa...