You're Back
Naalimpungatan naman ang anak ko, nang tumigil na ang sasakyang, sinasakyan namin sa harapan ng bahay namin ni Rafael.
Pinagbuksan naman kami ng pintuan ng driver nitong van na sinasakyan namin. Si Rafael naman ang unang bumaba, habang karga-karga nito ang anak namin at sumunod naman ako.
Si Angela ay tulog pa kaya ginigising pa ito ni Kuya Javier. Tulog mantika kasi si Angela, kaya hindi kaagad ito magising-gising.
May nagbukas naman sa amin ng pintuan at dalagita ito. Nginitian naman ako nito at binati, kaya naman binati ko rin ito na ikina-ngiti niya naman.
"Kuya Rafael, ang ganda po pala ng asawa niyo." Mahinhin nitong sabi kay Rafael at humikab naman ito.
Tumawa lang naman si Rafael at habang karga-karga ang anak namin ay hinawakan naman ako nito sa aking baywang at may binulong.
"Welcome home again my wife and of course you, my son." He whispered so softly.
"Welcome home po, Ma'am." Bati rin naman ng dalagita sa akin.
"Ate na lang ang itawag mo sa akin." I said while smiling at her.
Nakita ko naman na namumungay na ang mga mata nito, dahil siguro sa antok at kakahintay sa amin.
Nako naabala pa namin ito, madaling araw na kasi kaming dumating dito. Wala pa rin namang nagbago sa bahay na ito, sa katunayan nga ay mas bumuhay pa ang paligid nito, kahit na madilim pa ay nasisinagan naman ng mga ilaw.
May mga kapit bahay na rin kami, pero mga ilang kilometro pa rin ang agwat nito sa aming bahay.
Pumasok naman kami at hanggang ngayon ay nasa loob pa rin ng sasakyan ang kapatid ko, t'ska ang best friend ko. Papasok naman 'yon sila pag nagising na ang diwa ni Angela.
Nakita ko naman si Nanang na dumagdag na ang katandaan nito. Naghihintay ito sa entrada ng pintuan at nakangiting kinakawayan kami ni Rafael.
Mabilis naman kaming nakarating doon at ako ang una nitong binati at kina-usap.
"Diyos ko, salamat naman at nakita kana ni Rafael, hija. Pinag-alala mo ako, bakit hindi kana bumalik pa..." Sabi nito at hinagkan ako nang nakapa-higpit.
Yinakap ko rin naman at hinagod din ang kaniyang likod na kuba na rin.
"Pasensya na po Nanang, pinag-alala ko po kayo." Pagpapaumanhin ko sa nagawa ko noon.
Kumalas naman kaming dalawa sa aming pagyayakapan at pumasok na sa loob ng bahay.
Napamangha naman ako, dahil naandoon pa rin ang malaking litrato namin ni Rafael, noong ikinasal kami sa kaniyang resthouse.
Pero sa loob nito ay marami na rin ang nag-iba, katulad na lamang ng mga gamit at malalaking kurtina.
"Oh, siya dumeritso na kayo sa kwarto niyo at mapahinga. Kay gwapo-gwapo naman nitong anak mo, Rafael, kamukhang-kamukha mo noong maliit ka pa lamang." Sabi naman ni Nanang.
Tumawa naman si Rafael at tumango-tango sa matanda.
Nakita ko naman ang mukha ng anak ko na antok na antok pa. Gusto ko man siyang kunin kay Rafael, pero hindi niya na ibinigay pa sa akin si baby Zandrick ko.
Dahil nga sa antok pa ito ay yumakap na lang ito sa kaniyang ama na karga-karga siya at pumikit.
Napabaling naman ako sa entrada ng pintuan at laking gulat ko naman na naka piggy back ride na si Angela sa kapatid ko. Hindi naman ito nahirapan, at si Angela naman ay nakapikit pa rin dahil sa antok.
BINABASA MO ANG
The Painful Love Of Therese (GSS #1 COMPLETED)
Romantizm❤️COMPLETED❤️ [Under Editing] Gutierrez Siblings Series #1 Therese Isabelle Bitalyes. Walang pamilya ulila na lamang ito. At walang katuwang sa buhay. Hangad niya lang naman ay ang makapagtapos sa pag-aaral. Magkaroon ng sariling bahay. Pera para sa...