Chapter 21

312 10 0
                                    

Stay

Nakita namin si Ms. Ellaina, na naka pusturang nakaupo sa kama ni Rafael. Sumama naman ang mukha nito ng makita ako.

Kami lang ni Rafael ang nakakita sa kaniya, dahil sina Ange at Javier ay nasa kusina para ayusin ang mga biniling pagkain.

Tumayo naman ito at lumapit sa kinatatayuan namin ni Rafael.

"Why are you here again?" she asked me in a wrathful faced.

Hindi naman ako nagsalita, at nilagay na lang ako ni Rafael sa kaniyang likod.

'Kung sasaktan niya man ako, wala na akong pakialam. Mas lutang ang isipan ko sa mga nangyayari sa akin noong bata pa ako.'

"Rafael, why...," putol na sabi ni Ms. Ellaina, dahil nag salita na kaagad si Rafael.

"Ell, I told you before, that our wedding was cancelled. Kaya hindi na 'yon matutuloy pa. Anyway, why are you here, Ell? And why are you, here inside my room? How did you open my penthouse?" he asked in monotone.

Umatras naman ng kaunti si Ms. Ellaina kay Rafael. Nakita naman ako nito at tinarayan. Pero wala akong ipinakitang reaksiyon para sa kaniya. Ayoko nang bigyan pa siya ng pansin ngayon. Ayokong dumagdag pa ang problema ko at mag-away na naman kami, tulad noong nakaraan.

May kumalabit naman sa aking likuran at si Angela iyon. Kumunot ang noo nito ng makita si Ms. Ellaina. Tinatantiya siguro kung sino ang babaeng narito sa kwarto ni Rafael. Hinawakan ko naman ang kaniyang kaliwang kamay. Baka mag padalos dalos ito ng gagawin. Kilala ko si Angela, baka bigla na lang itong sumugod kay Ms. Ellaina. Ayoko na may mangyaring hindi maganda rito.

"Why, Rafael? Umuwi ako para sa 'yo. Peperahan ka lang ng babaeng 'yan. She's a gold digger, secretary mo pang siya, hindi mo siya gaanong kilala. Hindi pa naman kayo 'di ba? Please, Rafael. And please don't tell me, you'll going to forget her. I'm here naman, oh at bumalik ako para matuloy na ang kasal...," her voice cracked.

"Ell, you're hallucinating, can you stopped it. I love Therese. And please go...," he said mercilessly now.

Gusto ko mang sumabat, pero hindi ko rin ma gets ang sinasabi ni Ms. Ell kay Rafael. But my best friend end their conversations.

Dahil, hindi ko na namalayang pumunta na pala sa harapan si Angela at hinarap si Ms. Ellaina. Sinabunutan niya ito gamit ang dalawa niyang kamay. Hindi naman ako makakilos, dahil sa nakita ko. Si Rafael naman ay hindi alam ang gagawin, dahil hinawakan ko ito sa kaniyang damit.

"Ouchhh! Who the hell are you?" Ms. Ellaina asked my best friend, screaming in pain.

Umakto rin itong sasaktan si Angela, pero naunahan na siya nito.

"Gaga kang hipokrita ka! 'Wag mong matawag tawag ang best friend kong gold digger. Hindi siya gano'n. And you're the one who smitten her, huh? Kaya ako naman ang mananakit sa'yo. Ipapatikim ko sa 'yo kung ano ang ginawa mo kay Isabelle," Angela said, while she's not done, tweaking the hair of Ms. Ellaina.

Umalis naman si Rafael sa akin para awatin ang dalawa. Sa likod ko naman ay may nag mura nang sobrang lutong at si Javier iyon, na nagmamadaling pumasok para awatin ang dalawang nag sasabunutan.

Hindi ko alam ang gagawin. Bakit kasi pabigla-bigla na kang aatake si Angela. Mahirap talaga pag nakarinig sa ng hindi maganda tungkol sa akin, dahil hindi ito magdadalawang isip na protektahan ako sa taong gusto akong apihin.

Nahirapan ang dalawa sa pag aawat, dahil ayaw naman ni Angela pakawalan ang buhok ni Ms. Ellaina at minumura niya pa ito. Si Ms. Ellaina ay ayaw ring mag patalo sa natamong pananabunot galing kay Angela. Kaya naman gumanti rin ito sa kaibigan ko. Hindi na sila nagkanda ayos-ayos, dahil inaawat na sila ng dalawa.

The Painful Love Of Therese (GSS #1 COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon