Chapter 18

307 11 0
                                    

Approval

"Isabelle, can you explain your side. May namamagitan na ba sa inyo ng boss mo?" she asked me while pointing her fork to Rafael.

Ibinaba ko naman ang kamay nito. Hindi ko alam ang sasabihin. At narito pati si sir Javier, alam kong hindi ito sang-ayon sa magiging relasiyon namin ni Rafael, dahil kapatid nito si Ms. Ellaina. Sasabat na sana ako sa tanong nito pero inunahan na ako ni Rafael.

"Yes! I'm courting her. And I want your approval in our relationship," he answered. At hindi na ito nag paligoy-ligoy pa.

Napanganga naman si Angela sa sinabi ni Rafael. Si sir Javier naman ay humalakhak at pumalakpak pa, na animo'y nanalo sa palarong sabong. Nagulat naman ako dahil sa naging reaksiyon nito. Hindi ba ito galit, dahil may gusto nang iba si Rafael at hindi ang kaniyang kapatid?

Hindi ko na napigilan ang sarili ko kaya nagtanong na ako rito.

"Sir Javier, hindi po ba kayo magagalit, alam kong kapatid niyo si Ms. Ellaina at...," pinutol ako nito sa sasabihin ko.

"Why do, I do that Ms. Therese. Yes I'm his brother but I'll respect the decisions of Rafael and of course yours," he said while smiling at me.

Sumabat naman sa usapan namin si Angela.

"And who's Ellaina, Therese? Yes I heard that she's your sister," turo nito rito kay sir Javier.

"But what I mean is, who's Ellaina in your life Mister Rafael?" baling naman nito kay Rafael. Naka emphasize din ang pagsasabi nito ng Mister kay Rafael.

Dito na yata talaga magsisimula ang kalbaryo ni Rafael, dahil sa bunganga pa lang ng kaibigan ko baka hindi niya na makayanan ang mga lalabas na tanong sa bunganga ni Angela.

Sasabat na naman sana ako, kaya lang ay naunahan naman ako ni Rafael. Hindi man lang ito nag dadalawang isip na sumagot sa mga tanong ni Angela.

"She's my ex fiancee. That's all," he said in baritone.

Sumama naman ang mukha ni Angela, dahil sa sinabi ni Rafael.

"So she's your ex fiancee, how can I know that my Isabelle will be safe? If your ex fiancee, will harm Isabelle. Isabelle is like a glass, isang bagsak mo pa lang dito ay basag na basag na ito. And how can I know that you're sincerely to your words. I just want to protect Isabelle and I dont want to see her cry for a guy, who make her heart break into a pieces. Ayokong masaktan ng paulit-ulit si Isabelle, parang kapatid ko na ito," mahabang lintaya nito, na hindi man lang tumitigil sa pag sasalita.

Na touch naman ako sa sinabi ni Angela para sa akin. Paano na lang pag nalaman nito na sinaktan nga ako ni Ms. Ellaina. Gosh sumasakit na ang ulo ko, kung paano ito ipapaliwanag sa kaniya.

"Hey, easy young lady woman! I know Rafael, he's sincere to his word. And he will do everything to protect Ms. Therese," Sir Javier in second motion.

"I'm not talking to you Mister. I'm talking to your friend, if he's really sincere to my best friend. So wag ka munang makisali muna, ha! You're disturbing us," she yelled, sir Javier.

Napanganga naman si sir Javier sa kaniya. Hindi siguro makapaniwala na sinigawan siya ng kaibigan ko. Gusto ko mang tumawa, pero nakaka intense na itong pinag uusap nila. Si Rafael naman ay napapangisi na lang sa nangyayari.

Gusto ko mang ibahin ang topic ngayon ay parang hindi ako makasingit. Gusto ko pa naman sanang itanong kung matagal na ba silang magkakilalang dalawa dahil sa iringan pa lamang nila kani-kanina pa, alam kong hindi ito ang una nilang pagkikita.

The Painful Love Of Therese (GSS #1 COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon