Promise Necklace
"Sa yacht tayo sasakay?" I asked Angela.
Nasa labas na kasi kami ng rest house ni Kuya Javier at aalis na kami pabalik sa Manila.
"Yes, my lovely Isabelle, ayaw mo no'n sarap kaya sa dagat." Sagot naman ni Angela sa akin.
Ang mga bagaheng inayos ko kahapon ay nasa yate na dahil nakuha na ito at dinala roon.
Hawak-hawak ko naman ang baby Zandrick ko sa kaliwang kamay niya at si Angela naman ay nasa kanang kamay nang anak ko nakahawak.
Nasa hindi naman kalayuan ngayon si Rafael sa amin dahil may katawagan pa ito sa kaniyang cellphone, ganoon din si Kuya Javier.
Hindi lang namin alam kong saan iyon, siguro ay sa kaso ni Veironica.
"So, kumusta ang pagpunta niyo sa sementeryo?" Angela asked me in a calm voice.
"Naging okay naman, pero mas masakit din palang makita si Rafael na umiiyak, dahil hindi niya man lang nahawakan ang kaniya anak. Masakit na hindi ko kaagad nasabi sa kaniya. Parang pinagsisihan ko na ang lahat, Ange." I said in a trembling voice.
Kinarga niya naman si baby Zandrick at hindi naman nagalit dito ang anak ko, mas lalo pa nga itong natuwa.
"Tapos na lahat 'yon, Isabelle. We need to move on. Sabi nga nila move on move on din pag may time. Past is past, at kailangan nating kalimutan lahat ng iyon. There's a challenges pa, Isabelle. Pero makakayanan mo pa rin iyon. We're here no matter what happens." She said and a smile flustered on her face.
Si Angela na siguro ang nakilala kong, palaging matatag at positive thinker.
"Salamat, Ange!"
"You're welcome my lovely Isabelle."
"Mommy..." Tawag naman sa akin ng anak ko na gusto na ulit bumaba.
Kaya naman binaba na ulit ito ni Angela at naglakad naman ito papunta sa kaniyang ama.
Tinitingnan ko lang ang anak kong maglakad, dahil baka madapa ito sa buhangin. Napabaling naman si Rafael sa kaniyang anak, kaya naman ibinaba na nito ang tawag at nilagay na sa bulsa nito ang kaniyang cellphone.
"Why is my baby here, huh?" Rinig kong tanong ni Rafael sa anak namin.
May sinabi naman si baby Zandrick sa kaniya na hindi ko naman marinig dahil sa bilis nitong magsalita. Hinawakan naman nito ang kaliwang kamay ni baby Zandrick at naglakad papunta sa aking gawi. Hindi naman nagtagal ay nakarating naman silang dalawa sa akin at si Rafael naman ay hinalikan ako sa aking noo.
"Tara na..." Pag-aanyaya sa amin ni Angela.
Nauna na nga itong sumakay kasunod si Kuya Javier na tinulungan itong makataas pero ayaw naman ng kaibigan ko. Kaya naman napakamot na lang ang kapatid ko sa ulo nito.
'Haysss... Alam kong may problema ang dalawang iyon, ayaw lang nilang ipaalam sa akin. Siguro naman maayos na nila ang hindi nila pagkaka-unawaang dalawa.'
"Let's go..." Sabi nito at binuhat na ang anak namin.
Nakapasok din kami sa yate at hindi naman nagtagal ay umandar na ito. Ilang oras pa ang byahe namin pabalik sa Manila at alas tres na nang hapon ngayon. Makaka-uwi kami siguro ay madaling araw na.
Pumasok naman ako sa kwarto, kung saan nilagay ang gamit namin. Pagkatingin ko naman sa loob ay napaka cozy nito at sobrang comfortable matulog. Si Rafael naman nakasunod lang sa akin at hindi na karga-karga ang anak namin ngayon.
BINABASA MO ANG
The Painful Love Of Therese (GSS #1 COMPLETED)
Romance❤️COMPLETED❤️ [Under Editing] Gutierrez Siblings Series #1 Therese Isabelle Bitalyes. Walang pamilya ulila na lamang ito. At walang katuwang sa buhay. Hangad niya lang naman ay ang makapagtapos sa pag-aaral. Magkaroon ng sariling bahay. Pera para sa...