Chapter 25

289 11 0
                                    

Promise Ring

Ngumiti naman ito sa akin, at hinawakan ako sa kanang kamay para patayuin.

Nagtaka man ay sinunod ko ang gusto niyang mangyari.

Lumapit kami sa grand piano, at umupo kami rito. Saan naman ng galing itong piano na sobrang laki. Hindi ba sila nahirapan na itaas ito rito sa roof top?

"Marunong kang tumugtog ng piano?" I asked him, amusingly.

"Yes, I'll show you. How perfect I am, Therese."

Pagyayabang nito sa akin at nagnakaw na naman ng halik sa gilid ng aking labi.

"Rafael, namumuro kana," I said and a little bit irritated but I'm still smiling at him.

Tumawa lang ito at nag start ng magtipa sa keyboard ng piano.

Hindi ako familiar sa tunog na lumalabas sa piano ngayon. Ang sarap nitong pakinggan sa tenga. Tinitingnan ko lang si Rafael sa pagtitipa ng piano, para sa pagsisimula ng kaniyang kakantahin.

"What is that song, Rafael? You'll sing for me?" I asked amusingly, while watching how he tap the keyboard of this piano.

Ang bilis ng kamay niya nakaka-mangha na meron pala siyang ganitong talento.

"My 'Eternal Love' for you, Therese."

Napamangha naman ako sa sinabi niya. Walang hanggang pag-ibig ang tinutukoy ni Rafael. Kahit hindi niya pa simulan ay parang dama-dama ko na ito ng buong puso ko. At hindi naman nagtagal ay nagsimula na itong kumanta para sa akin.

It's a beautiful feeling
What we got deep inside
We got a flame that will last forever
Together, you and I

Such a rush of emotions
There's no way we can push it away
'Cause they'll never tear our love apart
Our bond will never break

Sobrang ganda niyang kumanta. His baritone voice makes me shiver, everytime he sang the lyrics of the songs.

How I wish, that the lyrics will be true for us.

Hinapit naman ako sa baywang ni Rafael, at inilapit sa katawan niya. Kinulong ako nito sa mga bisig niya at nag start na muling tumugtog. Bali parang yakap-yakap ako nito habang siya'y tumutugtog. Para hindi ito mahirapan, yumapos na lang ako sa kaniyang baywang. At ramdam na ramdam ko roon ang tigas ng kaniyang tiyan.

Do you believe in the power
Of everlasting love?
We can make it if we stay together
Our love is just enough

Promise me this forever
We'll always stay this way
We can start at the end of time
And do it all again

Damang-dama ko ngayon ang lyrics na lumalabas sa kaniyang bibig. Kahit sa pagkanta nito ay para bang ibinubuhos nito ang mga salitang gusto nitong ipahiwatig sa akin.

Lalo ko naman siyang niyakap at nilapit ang aking sarili sa kaniya. Tiningala ko naman ito, at nakatingin na siya sa akin ngayon. Punong-puno nang emosiyon ang mga nakikita ko sa kaniyang mga mata ngayon.

The Painful Love Of Therese (GSS #1 COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon