Chapter 34

267 10 0
                                    

Wedding

"Wow! Puwede na pala akong maging isang make up artist nito, dahil sa ginawa ko sa 'yo, Isabelle!" Angela said, while praising herself of what she did to me.

Ini-ikot niya naman ang upuan ko para ipaharap ako sa salamin. Napamangha rin ako sa ginawang pag-aayos sa akin ni Angela. Kaya hindi ko mapigilang titigan pa ang sarili ko sa salamin, ngayon lang ako nalagyan ng kung anu-anong kolorete sa aking mukha.

"Ange, thank you!"

Nakatingin lang ako sa salamin habang pinapasalamatan ko siya sa kaniyang ginawa. Wala rin akong masabi dahil sa pag-aayos niya sa akin ngayon.

It's a simple make-up, pero nag-uumapaw rito ang taglay kong ganda. Para akong isang diyosa, dahil sa ginawa ni Angela, ngayon ko lang na appreciate na maayos naman pala maglagay ng make-up sa mukha, basta light make-up lang ito. Tinirintas niya lang din ang magka-bilang gilid ng buhok ko at kinulot naman ang buhok kong naka-lugay lang.

'Minsan ko lang naman purihin ang sarili ko, kaya lulubos-lubusin ko na ito ngayon.'

Pina-suot niya rin sa akin ang pastel green na flower crown at sa likod nito ang veil ko, na mamaya ay ipang-tatabon din sa mukha ko.

Hindi pa rin ako naka-bihis ngayon, at ang tanging suot ko lamang ay ang bathrobe na puti. Hindi na ako makapag-hintay na isuot ang damit pang kasal ko, kahit sa wedding dress ay hindi ko rin alam kung ano ang itsura nito.

Lahat ng ito ay hindi ko alam. Akala ko simple lang lahat ng ito, pagka-gising ko, maliligo lng ako at ikakasal na kay Rafael, pero hindi e, pinag-handaan talaga siguro ito ni Rafael at magaling din ang mga kinuha niyang organizer para sa magiging kasal namin. Kahit sabihin ko pang okay lang na simple ang magiging kasal namin, pero siguro kay Rafael gusto niya ng magarbo dahil isang beses lang naman 'to sa tanang buhay namin mangyayari.

Masaya naman ako, kahit hindi ito magarbo, ang tanging hangad ko lang naman ay makasama siya at pati na rin sina Angela at Javier sa araw na ito.

Si Angela naman ay naka-ayos na, naka off shoulder tube dress itong pastel na green, hanggang sa tuhod niya. Ang buhok naman niyang mahaba ay naka-lugay lang. Siya kasi ang naunang mag-ayos sa aming dalawa.

Kaninang umaga pa kami rito ni Angela sa loob ng kwarto, ayaw kaming palabasin ng dalawang lalaki. Dinalhan lang kami rito ni Nanang ng breakfast at lunch. Si Angela naman ang pumupunta sa pintuan para kunin ang mga pinapadala rito.

Pati na rin ang mga susuotin naming dalawa ay inihatid lang dito sa kwarto. At hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nakikita si Rafael, dahil ipinagbabawal ito ni Angela. 'Hays itong babae talaga 'to, maraming alam sa mga gan'tong pamahiin.'

Halo-halong emosiyon ang namumutawi sa puso ko ngayon, pero ang nagpasiklab talaga rito ay ang saya at kagalakan.

Finally, we're getting married. This will be the start of my journey with Rafael. How I wish na maging maayos ang pagsasamahan namin ni Rafael, hanggang sa dulo. Hindi na ako makapaghintay na matupad lahat ng mga pangarap ko sa buhay. Makasama siya habang buhay pati na rin ang mga magiging anak namin.

"Isabelle you're dreaming again. I said, you need to dress up now," Angela said excitedly.

Mabuti na lang hindi ito sumigaw. Tumango naman ako sa kaniya at nginitian siya. Gusto kong umiyak, pero baka masira ang pinaghirapan ni Angela ngayon sa akin.

Tumayo na nga ako at lumapit na sa kama, dahil naandoon ang malaking box, kung nasaan nakalagay ang aking wedding dress. At sa tabi naman nito ay may isang kilalang mamahalin na branded na shoe box.

The Painful Love Of Therese (GSS #1 COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon