Chapter 24

275 9 0
                                    

Surprise

Hinalikan naman ako ni Angela sa pisngi ko at niyakap.

"Bye, Isabelle. Happy birthday! I'm a little bit busier in this day. Baka mga weekends na lang tayo mag kita. But you can visit me there, if you have time."

"Thank you, Ange. I'm so happy and blessed today. Take care. I promise, I'll visit you there. Basta nga't libre ako sa pagkain."

Her eyes narrowed.

Kaya napatawa naman ako sa inasal niya. Puwede talaga siyang maging isang artista. Marami siyang ipinapakitang emotions sa kaniyang mukha.

"So, good bye. My lovely, Isabelle."

Hinalikan ulit ako nito sa pisngi. Tumango naman siyang naka-tingin sa likuran namin. At umismid nang makita si Javier. Then she mouthed bad words to Javier.

Hindi na lang ito pinansin pa ni Javier. Si Angela naman ay pumasok na sa kaniyang sasakyan.

Sinundan ko naman ng tingin ang sasakyan ni Angela. Si Rafael naman ay hinawakan ulit ako nito sa baywang ko. At hinarap namin si Javier, na naka-ngisi na sa amin ni Rafael.

Ginulo naman nito ang buhok ko, mabuti na lang at inalis agad ni Rafael ang kaniyang kamay.

"Okay, I need to go. Happy birthday, Therese. Can I hug you?" he asked, pero may pagka-alinlangan ito sa boses niya.

Tumango naman si Rafael at inalis ang pagkaka-hawak nito sa aking baywang. Hindi na rin ako umalma pa sa kaniyang gagawin. Dahil hindi naman nakakaasiwa kung yayakap lang naman ito sa akin, para nga siyang kaibigan o kapatid ko na. Ramdam ko na rin na parang may something sila ng kaibigan ko na ayaw lang nilang sabihin sa akin.

Ngumiti naman ito bago ako, yakapin nang sobrang higpit.

"Happy birthday, Therese...-"

He mentioned something, pero hindi ko na ito narinig pa, dahil siya na ang unang bumitaw sa yakap na ibinigay niya sa akin.

"Thank you."

Iyon lang ang nabitawan kong salita para sa kaniya.

Ngumiti naman ito sa akin. At bumaling na kay Rafael, at tinanguan lang ito. Hinawakan ulit ako ni Rafael sa baywang at tinanguan din ang kaibigan niya.

"So, hmm... I need to go."

At sumakay din sa kaniyang kotse at hindi naman nag tagal ay pinaharurot niya na ito.

Tumingala naman ako kay Rafael.

"Let's go inside of your penthouse."

Ngumiti naman ito sa akin at hinalikan ako sa tuktok ng ulo ko. Paborito niya talagang halikan ako sa noo at hinding-hindi ako mag-sasawa dahil doon.

Napa-tingin naman ako sa langit dahil lumulubog na ang araw ngayon. At malapit na itong mag gabi. Dawalang oras at kalahati rin ang byahe namin pauwi rito sa manila. Siguro ay malapit na ring mag ala sais ng gabi.

Pumasok na nga kami ni Rafael, at sumakay sa elevator, para maka-punta na sa kaniyang penthouse.

"Finally, your are mine now, Therese."

Sambit nito nang maka-pasok kami sa kaniyang penthouse. At bigla itong nagnakaw ng halik sa aking labi. Kaya kinurot ko naman ito sa kaniyang braso. Ayoko na siyang kurutin sa tiyan niyang matigas, baka ano pa ang masabi niya.

"You can go now, in our room."

Diin naman ang pagkasabi nito ng our.

"Rafael, hanggang kailan kaya ako rito?"

The Painful Love Of Therese (GSS #1 COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon