Scared to death
Kasing laki ito ng shoe box, at ng nakalapit na nga ito sa amin ay inilahad niya na ito sa akin. Nanginginig naman ang aking kamay, ng kunin ko ito sa kaniya.
"Ang sabi ni Lucresia sa akin, ibigay ko ito sa iyo pag mag bebente dos kana. Pero mayroon pa siyang sinabi sa akin. Kung hindi ka pa handa, puwede mo naman itong huwag munang buksan. Alam ko Isabelle, marami kang tanong sa iyong isipan. Baka makatulong ito sa 'yo. Hindi lahat ng mga tanong mo naandiyan, pero makakatulong ito sa 'yo," mahabang pahayag ni Lola Telda.
Tumayo naman ako at nilagay muna sa upuan ang box. "Maraming salamat po Lola Telda," I said while hugging her so tight.
"Walang ano man iyon, Isabelle. Kung may itatanong ka sa akin. Naandito lang ako."
Himiwalay naman ako sa pagkakayakap kay Lola Telda. Nakita ko naman si Angela na, naiiyak na dahil sa nasaksihan. At si Jaeros naman ay nakatingin lang ito ng malalim sa akin.
Napatingin naman ulit ako sa box na ibinigay sa akin ni Lola Telda. Nakasulat doon ay ang "Mahal kong Therese" na sulat kamay ni Lola Lucresia. Gusto ko man itong buksan, pero baka nga hindi pa ito talaga ang oras para buksan ang iniwan sa akin ni Lola Lucresia.
Naipunas ko naman ang mga luhang dumadaloy sa pisngi ko. At napatingin sa kanila na nakangiti na.
Nilagay ko naman ang box sa isang paper bag na ibinigay ni Lola Telda sa akin. Nag kwentuhan lang kami, sa mga bagay bagay. Lalong lalo na si Angela na hindi matapos tapos sa kaniyang kwento. Si Jaeros naman ay natatawa na lang sa ginagawa ng kaniyang pinsan. Si Lola Telda na sobrang nawiwili sa pinang gagawa ng kaniyang apong babae.
Malapit ng mag alas singko, kaya napatingin naman ako sa de keypad kong cellphone, kung mayroong text si Rafael. Napangiti naman ako dahil may text nga siya sa akin. Hindi niya talaga nililimutan na mag text man lang sa akin, kahit na alam kong busy ito sa trabaho niya.
Rafael: I can't wait to see you, my Therese.
Kanina pa pala itong alas tres. Hindi ko na muna siya tenext. Napatingin naman ako kay Jaeros na nakatingin na sa aking mukha at nakakunot ang noo. Kaya nagtaka naman ako.
"What happened to your face, Isabelle?" he asked me in baritone.
Kaya napahawak naman ako sa pisngi kong mayroong band aid.
"And also on your arm? Naaksidente ka ba?" he asked me again, worriedly.
"Huh? Ano, oo! Nalaglag ako sa hagdan," peke ko namang tawa.
'Is this a white lies again, Therese?'
Si Angela naman ay pinaningkitan lang ako ng mga mata nito, dahil sa sinabi ko. Kaya napangiti na lamang tuloy ako ng hilaw sa kanila.
"Please, be careful next time, Isabelle."
"Oo nga naman hija, ba't hindi ka kasi nag iingat. Sayang ang gandang taglay mong 'yan pag nadangasan," dugtong naman ni Lola Telda, habang nakangiti sa akin.
"Ayaw, kasing labanan 'yung hagdan, kaya ayan ang napala," dagdag din ni Angela.
Hindi naman ako, makapagsalita kung ano ang sasabihin ko sa kanila. Kaya nginitian ko na lamang si Jaeros at Lola Telda. Binaliwala ko na lang din ang sinabi ni Angela. Kasi kung gagatungan ko pa ang sinabi nito, baka hindi na matapos pa ang usapan namin.
BINABASA MO ANG
The Painful Love Of Therese (GSS #1 COMPLETED)
Romance❤️COMPLETED❤️ [Under Editing] Gutierrez Siblings Series #1 Therese Isabelle Bitalyes. Walang pamilya ulila na lamang ito. At walang katuwang sa buhay. Hangad niya lang naman ay ang makapagtapos sa pag-aaral. Magkaroon ng sariling bahay. Pera para sa...