Unconscious
Nagsimula na nga akong gumawa nang pinapautos ni sir Rafael sa akin. Hanggang ngayon naman ay wala pa si Ms. Chathy, dahil hindi pa naman tapos ang lunch break naming mga empleyado. Ang pagkain ko naman ay inilagay ko na lang ulit sa lunch box ko. Sayang naman kasi kung itatapon ko ito. Puwede ko pa namang kainin mamayang gabi, pagkauwi ko. Hindi naman siguro ito mapapanis.
Nakita ko naman si Ms. Chathy na nag mamadaling pumunta sa direksiyon ko at kinuha niya na lahat ng kaniyang mga gamit.
"Ms. Chathy ano po ang nangyari?" I asked her confusedly.
"May emergency sa bahay, e. Uuwi na muna ako. Isabelle, kaya mo na ba lahat ng mga trabaho mo? Mag text kana lang o tumawag sa akin kung mayroon kang itatanong," sabi niya sa akin, habang siya ay nag aayos ng mga gamit nito at may ibinabang calling card sa lamesa ko.
Pumasok naman ito sa opisina ni sir Rafael para mag paalam.
Nang lumabas na siya ay ipinabuhat niya na sa janitor ang lahat ng kaniyang mga gamit.
"Ms. Chathy, tutulungan ko na rin po kayo," saad ko na tatayo na sana.
"Thanks Isabelle, pero kaya na namin ito. Steady ka na lang d'yan marami pang nakatambak sa mga trabaho mo," she said while looking at my desk.
"Hehe, nice to meet you po ulit, Ms. Chathy. Ingat po kayo ni baby," I said in a joyful tone.
"Thank you Isabelle. Nice to meet you too. Don't hesitate to call me if may itatanong ka. I'll go now. Nag paalam na ako kay sir Rafael. At hindi na rin ako babalik dito bukas. Kaya take care, pag igihan mo pa lalo sa pagtatrabaho, para hindi ka mapagalitan ni sir Rafael," mahabang habilin niya sa akin, at tumatawa na dahil sa mga huli nitong sinabi.
Umalis na nga ito kasama ang janitor na magdadala ng kaniyang mga gamit. Ako naman ay nagsimula na muling magtrabaho.
Napatingin naman ako sa wall clock at alas tres na ng hapon. Hindi ko pa nakakalahati ang mga papeles na pinapatrabaho sa akin ni sir Rafael.
Pumunta na muna ako sa pantry room para gawan ng juice si sir Rafael at kumuha na rin ng cookies.
Pagkatapos kong gawin ang meryenda nito ay inilagay ko naman ito sa isang maliit na tray. Kahit na hindi naman ito nag utos ay gumawa ako. Ito kasi ang habilin ni Ms. Chathy sa akin kaninang umaga.
Kumatok na muna ako bago pumasok. Pagkapasok ko ay may kausap ito sa telepono. Tiningnan niya naman ako sa mata.
"Yes, that's it. No problem. I'll do that," lintaya niya sa kaniyang kausap sa kabilang linya.
Kaya ibinaba ko na lamang sa table niya ang ginawa kong meryenda. Aalis na sana ako pero ibinaba niya na ang telepono at kinausap ako.
"How's your works?" he asked me.
"Okay naman po, Sir," sabi ko na hindi na makatingin sa kaniya.
Para akong matutunaw, dahil sa pagtitig niya sa akin. Gusto ko na lamang lumabas at mag paka-lunod sa trabaho.
"May ipapagawa pa po ba kayo, Sir," I asked him, while looking to his beautiful eyes.
Umiling naman ito at umayos ng upo.
"How old are you, Therese?" he suddenly asked out of nowhere.
Yan na naman siya sa pagtawag niya ng Therese sa akin. Ang sarap pakinggan, hindi ko alam kung bakit palaging bumibilis ang pag tibok ng puso ko pag tinatawag niya ako sa pangalang, Therese.
BINABASA MO ANG
The Painful Love Of Therese (GSS #1 COMPLETED)
Romance❤️COMPLETED❤️ [Under Editing] Gutierrez Siblings Series #1 Therese Isabelle Bitalyes. Walang pamilya ulila na lamang ito. At walang katuwang sa buhay. Hangad niya lang naman ay ang makapagtapos sa pag-aaral. Magkaroon ng sariling bahay. Pera para sa...