Smitten
Sinunod ko nga ang hinabilin ni Rafael sa akin. Ni locked ko ang pintuan. At hindi umalis sa kaniyang penthouse.
Nang wala naman akong magawa ay napag isip isipan ko na mag linis na lang sa penthouse niya. Inayos ko lahat ng mga kalat sa sala niya. Tinapon naman ang mga nakita kong mga basura. Sunod naman ay nilinisan ko ang kaniyang kwarto. Iniligpit ang mga damit na marurumi at nilagay sa laundry basket nito. Inayos ko na rin ang kaniyang kama.
Napatingin naman ako sa relong nakasabit sa pader. Mag tatanghali na pala, kaya pala kumakalam na ang tiyan ko. Pumunta naman ako sa kusina para tingnan kung mayroon bang instant noodles. 'Yun na lang ang kakainin ko dahil malamig naman ang panahon ngayon. Naghanap hanap ako sa mga aparador at hindi naman qjo nawalan nang pag-asa dahil may nakita rin ako sa wakas. Nag painit lang ako ng tubig, at inilagay ko na sa cup noodled ang mainit na tubig para maluto na ito. Naghintay pa ako ng minuto, para maluto at makain.
Sa sala ako kumain at nanood muna ng movies sa netflix. Napatingin ulit ako sa relo, dalawang oras na ang nakalipas ng umalis si Rafael. Pagkatapos ko namang kumain ay sa kusina naman ako nag linis. Hinugasan ko na rin ang mga ginamit ko. And lastly nilabhan ko ang mga damit ni Rafael at sinama ko na rin ang dress kong isinuot ko kagabi.
Alam kong may naglilinis naman dito sa penthouse niya, pero twice a week lamang ito. Nalaman ko rin dahil sekretarya niya 'ko.
At ang pinagtataka ko lang, sekretarya niya 'ko pero hindi niya man lang ako sinama at hindi sinabi kung ano ang problema ng may ma-itulong man lang sana ako. Pati pag announced niya ng walang pasok, ay dapat trabaho ko rin iyon.
Napabuntong-hininga na lamang tuloy ako at pinagpatuloy na lang ang ginagawa. Sana walang problema at aberya sa kompanya ni Rafael. Sana ayos ang lahat.
Natapos ako sa paglalabaz hindi ko na muna isinampay ang mga damit na nilabhan ko, dahil hindi ko alam kung saan ito isasampay. Pagkatapos ko ay pumasok naman ako sa walk in closet ni Rafael para kumuha ulit ng damit. Pero this time, ang kinuha kong damit ay kulay black na t-shirt na hanggang sa tuhod ko ang haba at boxer shorts.
Naligo naman ako, nagsipilyo, blinow dry ang buhok at doon na rin sa loob ng bathroom nag bihis. Wala akong suot na pang loob ngayon dahil nilabhan ko na rin ito. Nang matapos ako, roon ko lang naramdaman ang sobrang pagod dahil sa mga ginawa. Pero napangiti rin kalauanan, dahil mas luminis ang penthouse ni Rafael. At hanggang ngayon wala pa rin ito.
Bumalik naman ako sa sala at umupo sa couch para roon hintayin si Rafael. Hindi na ulit ako nanood ng tv. Dahil sa lamig ng panahon ay nakatulog naman ako sa couch ng hindi ko namamalayan.
Nagising naman ako dahil sa katok na naririnig ko galing sa pintuan. Tiningnan ko ang orasan at nasa alas tres na pala ng hapon. Baka si Rafael na ito.
Kaya mabilisan naman ang pagtayo ko at pag lapit sa pintuan para buksan ito.
Pero ang tumambad naman sa akin ay si Ms. Ellaina. Na nagulat at nag-iba rin ang reaksiyon nito ng makita ako. Nagpupuyos ito nang galit habang pumasok ito sa penthouse ni Rafael.
"Where's Rafael? And why are you here?" galaiting tanong nito sa akin.
"And why are you wearing his shirt? Did you slept here?" she asked angrily.
Hindi naman ako makapagsalita dahil sa mga tanong nito sa akin. Gulat din ako sa presensya niya at hindi ko rin alam ang gagawin.
Tatakbo na ba 'ko o hayaan na lang siya sa mga sinasabi nito. Tsaka sinong babae ang hindi magagalit pag nakita at nalaman nitong may tumuloy sa bahay ng kaniyang fiance.
BINABASA MO ANG
The Painful Love Of Therese (GSS #1 COMPLETED)
Romance❤️COMPLETED❤️ [Under Editing] Gutierrez Siblings Series #1 Therese Isabelle Bitalyes. Walang pamilya ulila na lamang ito. At walang katuwang sa buhay. Hangad niya lang naman ay ang makapagtapos sa pag-aaral. Magkaroon ng sariling bahay. Pera para sa...