Chapter 28

269 9 0
                                    

Critical

Dumagundong naman sa apat na sulok ng opisinang ito ni Rafael ang sinabi ng kaniyang ina.

Hanggang ngayon naman ay hindi pa rin nila ako napapansin. Dahil hindi pa naman ako naglalakad papunta sa kanilang pwesto.

At nagulat din ako sa sinabi ni Mrs. Lacson. Gusto niyang matuloy ang kasal nina Rafael at Ms. Ellaina? Siguro hindi nga talaga kami para sa isa't isa ni Rafael.

Pinigilan ko namang tumulo ang aking mga luha at manginig. Pero hindi ko namang mapigilang bumahing, para mapansin nila ako at mapatingin sila sa pwesto ko kung nasaan ako ngayon.

Nahiya naman ako sa aking nagawa. Tapos basang basa pa ako, na nakapaa lang at hawak-hawak ang dalawang plastic bag ng starbucks, kung nasaan ang mga frappes na ipinabili ni Ms. Ara sa akin.

Tumayo naman si Javier para lapitan ako. Ang mga taong nakaupo naman ay nakatingin lang sa akin. Nakita ko naman si Rafael na lumalim ang tingin sa akin at umigting ang panga nito.

Si Ms. Ellaina naman at Ms. Ara ay nakatingin lang sa akin. At masama pa rin ang pagkakatingin nila at naka-ngisi dahil sa sinapit ko ngayon. At para bang papatayin nila ako ng buhay ngayon. Ganito na ba kasama ang araw na 'to para masaktan ako ng ganito?

Gusto namang tumayo ni Rafael, pero kitang-kita ng dalawa kong mga mata na hinawakan ni Ms. Ellaina ang braso nito para pigilan at hindi maka-alis sa kinauupuan para makapunta sa akin.

Tumayo rin si Ma'am Teresita at pumunta rin sa aking gawi.

"What happened to you, Therese?" Javier asked me worriedly.

Nginitian ko naman ito ng peke. Dahil hindi naman ako makangiti ngayon nang maayos, dahil nga't marami ang nakatingin sa akin. Lalong lalo na ang dalawang padre de pamilya at si sir Joaquin.

Magsasalita na sana ako kaya lang ay naunahan na ako ni Ma'am Teresita.

"Yes hija, what happened to you. And why are you so wet? Naligo ka ba sa ulan?" she asked me too, in a worried tone.

"Ah, e. Ano po kasi nadatnan po ako ng ulan sa daan," I explained.

"And where's your shoes?" Javier asked me.

"Huh, ano... nasira sa ulan, habang naglalakad ako," I said in a low voice.

"Naglalakad, hija? You walked, while it still raining outside. Akala ko ba may company driver dito, bakit hindi ka nagpahatid, bakit naglakad at nag commute ka?" she asked again.

Hindi ko na alam ang isasagot ko sa mga naging tanong ni Ma'am Teresita sa akin. May bumabara naring bukol sa lalamunan ko. At parang sisipunin pa yata ako ngayon.

Lumunok muna ako bago magsalita.

"Ah, e. Wala pong sasakyan. Kaya nilakad ko na lang po pabalik dito sa kompanya. At hindi ko rin po alam na puwede po yatang mag request na magpahatid sa mga drivers dito sa kompaniya," mahina kong sagot na sila lang ang makakarinig.

Kinuha naman ni Javier ang dala-dala ko, kaya ibinigay ko na rin ang card ni Ms. Ara.

Kinuha ko naman ang maliit na towel sa leeg ko at ipinampunas ulit sa mukha ko.

"Do you have another spare of clothes hija?" Ma'am Teresita asked again.

"Wala po ma'am, e. Uuwi na rin po ako, magpapaalam na lang po ako kay, sir Rafael." I said.

Ayoko naman kasing Rafael lang ang itawag ko kay Rafael, baka marinig pa nilang lahat.

Si Javier naman ay inilagay na ang ipinabiling frappes ni Ms. Ara sa coffe table. At bumalik ulit ito sa gawi namin ng kaniyang ina.

The Painful Love Of Therese (GSS #1 COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon