Chapter 42

264 10 0
                                    

Isabella Aryana

After ko naman malaman lahat ng mga rebelasiyon tungkol sa akin noon. Hindi nga sinabi ni Kuya Javier kay Rafael kong nasaan ako at ano ang sitwasiyon ko ngayon.

Naging maayos nang ilang araw ang pakiramdam ko at itinigil din muna nila ang paglalagay ng blood thinners sa aking katawan, para hindi ito maka apekto sa magiging kambal ko.

Anim na buwan na ang tiyan ko nang, inoperahan ako para kunin ang tumor sa utak ko. The operation was successfully, they removed the 97 percent of tumor in my brain dahil din sa tulong ng ibang doktor na tumutulong para pagalingin ako. At salamat kay Doktora Maryntes na palaging naandiyan para tulungan ako. Malaki rin ang naging utang ko sa kaniya dahil sa walang tigil nitong pag momonitor sa akin.

The first thing I remembered, after waking up from the surgery, I was grabbing my big belly. And they said that the twins is still there and very fine. I felt immense relief, when they said that words. Tapos pinarinig nila ang pagtibok nang puso ng kambal ko. At iyon ang tunog na mas nangingibabaw sa puso ko hanggang ngayon. Iyon ang tunog na ang sarap pakinggan palagi.

Hindi rin ako iniwan ni Kuya Javier, Angela at Jaeros sa paglaban nang sakit kong iyon. At naka antabay lang sila sa akin, papalit palit din ang pagpunta ni Kuya Javier at Angela rito sa lugar kong saan ako ngayon nagpapagaling. Para hindi lang mahalata ni Rafael na may kakaiba silang ikinikilos.

Kuya Javier, do everything to make sure, na hindi ako mahahanap kaagad ni Rafael. Kinuntiyaba niya lahat ng mga tao ni Rafael na 'wag na akong hanapin.

Dahil hindi ko pa rin kayang makita si Rafael. Ayoko muling masaktan, kung totoo nga ba na may ginagawa sila ng kapatid ko. Ayoko nang pakialaman silang dalawa kung totoo nga talaga iyon.

At marami rin ang problemang kinahaharap ngayon ni Rafael, ayoko nang dumagdag pa sa pasanin niya.

Nakayanan ko nga ang pagsubok na ito, kaya mas kakayanin ko pa lalo para sa kambal ko. Siguro hindi pa ito ang oras para magkita muli kami ni Rafael. Masakit man at mahirap pero kakayanin ko.

Buwanan ko na ngayon, pero hindi ko pa rin maramdaman ang pagkirot nito. Nalaman ko na rin ang gender ng kambal ko at laking tuwa ko naman na lalaki at babae ito. Tinanong ko si Doktora Maryntes kung bakit hindi ako pinapasakitan, pero sabi nito ay normal lang naman iyon sa mga buntis.

Naandito kami ngayon ni Angela sa garden at nagpapahangin. Siya naman ay kinukuhanan lang ako ng mga litrato sa cellphone nito. Nakikita ko naman sa mukha nito ang saya at liwanag. Pinabayaan ko lang naman siya sa kaniya ginagawa.

"Isabelle, try to pose like this, oh!" Sabi nito sa maarteng pamamaraan.

Kaya ginaya ko na lang din ang pag pose nito.

Natapos naman ito sa akin at ang kinuhanan niya naman ay ang mga bulaklak.

Pero sa sandaling iyon ay nakaramdam ako nang pagkalam at pagkirot ng tiyan ko, pati ang panubigan ko ay sumabog din. Kumapit na lamang ako sa upuan habang ang isang kamay ay naka-hawak sa umbok kong tiyan, na wala pa ring tigil sa pagsakit at pagkalam.

Tinawag ko naman si Angela sa pagsigaw na paraan at nakita niya naman ang sitwasiyon ko na ikinataranta niya. Sigaw lang ako nang sigaw at nandidilim din ang paningin ko, na hudyat nito ang pagkawala nang malay ko.

...

"Sorry but the baby girl was not survived. Her heart was not functioning. But the baby boy is very fine and healthy. Kaya tinitingnan pa namin talaga ito kung bakit. Dahil sa pag momonitor naman namin kay, Isabelle ay okay lang ang kambal nito." Someone said in a weary voice.

The Painful Love Of Therese (GSS #1 COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon