Chapter 36

254 10 0
                                    

Drowned

Alas nuebe na ng gabi pero hindi pa rin umuuwi si Rafael hanggang ngayon. Nag-aalala na ako, hindi ko naman alam kung saan ko na naman nailagay ang cellphone ko.

Tapos 'din akong magluto at ang niluto ko ay ang caldereta, sana magustuhan iyon ni Rafael. Hindi pabrin ako nakakain hanggang ngayon dahil hinihintay ko ngang makauwi ang asawa ko, para sabay na kaming mag dinner nito.

Siguro marami itong inaasikaso, sana maging okay na ang lahat. Tumaas naman ako sa second floor at pumunta na sa master bedroom.

Maliligo na muna ako, dahil hanggang ngayon ay ganoon pa rin ang suot kong damit pagkarating namin ni Rafael dito. Bukas naman ang lahat ng ilaw sa bahay na ito, kaya hindi naman ako natatakot mag-isa.

Naparaan naman ako sa may couch at nakita ko roon ang sling bag ko at doon ko lang naisip na baka naroroon ang cellphone na ibinigay ni Rafael sa akin.

Kaya dali-dali naman akong umupo sa couch at kinuha ang sling bag ko. Hindi nga ako nagkamali, dahil naroroon nga ang cellphone ko.

Binuksan ko naman ito at marami akong natanggap na mga messages. Mayroon galing kay Tita Fina na nanganga-musta sa akin. Hindi na pala ako nakapag paalam sa kaniya, kaya naman nag text naman ako sa kaniya na okay lang ako.

Ang sunod ko namang nakita ay ang text ni Angela sa akin, grabe tinadtad ba naman ako nito ng text. Marami kasi akong text na natanggap galing sa kaniya.

Angela

"My lovely, Isabelle kailan ang uwi niyo rito sa Manila ng iyong husband?"

"Isabelle, dapat pagka-uwi mo buntis kana sa magiging inaanak ko."

"I have chika for you. I meet someone, na swack sa taste ko."

"Gosh, nakakapagod magtrabaho, gusto ko na lang maging house wife forever."

"Ang babaitang 'to 'di man lang marunong mag text. Hindi mo ba binukbuksan 'yang cellphone mo, Isabelle?"

"Text me, if naka-uwi na kayo ng husband mo."

"Nako for sure, nasarapan ka sa chugchugan niyo ni Rafael. Tama ba ako 😂❤️?"

'Nako kahit sa text wala pa ring pinapalampas si Angela, May pa emoji pa itong tumatawa at puso. Adik lang 'yong babaeng iyon.'

Marami pa siyang text sa akin, kahit sa text ay napaka-ingay ni Angela. She meet someone? Hindi ba sila ni Javier?

Kaya naman nag text na lang ako sa kaniya na naka-uwi na kami ni Rafael at nasa bagong bahay na kami ngayon.

Hindi naman ito nag text, baka may ginagawa o tulog na ito, dahil sa pagod.

At ang last namang nakita kong nag text ay si Jaeros, three weeks ago pa ito at may recently siyang text sa akin ngayong linggo lang nito.

Eros

"Isabelle, are you fine now?"

"Why can't you text me. I'm worried."

"Text me or call me if you feel something different."

"I'm just here."

"And if you have free time, can we meet up. I need to talk to you something matters."

"Text me if you read this, messages. Hindi ko alam na hindi ka pala mahilig mag text😊."

Iyon ang last na text sa akin ni Jaeros at may emoji pa ito sa dulo. Hindi ko naman alam ang isasagot ko sa kaniya. Kaya naman ne-replayan ko na lang ito ng okay. Baka malaman pa ito ni Rafael na nag tetext ito sa sakin. Baka mag selos naman ito.

The Painful Love Of Therese (GSS #1 COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon