White lies
Nagising naman ako ng may yumakap sa likuran ko at alam kong si Rafael 'yon. Tiningnan ko ang alarm clock sa bed side table at mag papasado alas dos na ng madaling araw. Humarap naman ako sa kaniya, kahit na inaantok pa rin ako, 'di ko mapigilan ang sarili kaya niyakap ko ito nang sobrang higpit.
"Rafael, ngayon ka lang natapos?" I asked him while yawning. Paos din ang boses dahil sa malalim na pagtulog.
"I'm sorry, I woke you up," he said while patting my hair, hinaplos-haplos niya rin iyon.
"No, it's okay, tulog na tayo, inaantok pa ako at ikaw rin, baka puyat kana."
Tumawa naman ito nang mahina at patuloy pa rin sa pag haplos ng aking buhok. Hindi naman nagtagal ay nakatulog din ako. 'Di ko lang alam kay Rafael kung nakatulog na rin ba ito, dahil wala itong tigil sa pag haplos ng aking buhok at paghalik sa tuktok ng aking ulo. Parang bang gusto niya ang nakagawian na iyon at hindi ko rin naman itatanggi na gusto ko ang ginagawa niyo. Dahil kahit sa gaanoong gesture niya lamang na 'yon ay para bang napapawi na lahat ng mga masasamang naiisip ko.
Kinabukasan ay naging maayos na ang panahon, kaya balik trabaho na kami ni Rafael. Sinuot ko na muna, ang ibinili niyang damit sa akin, para hindi na ako umuwi pa sa apartment ko. Na late rin kami ng gising kaya sa labas na kami kumain ng breakfast.
Hindi naman nagtagal ay natapos din kaming kumain at pumunta na sa kompanya. Pero hindi ako sumabay sa kaniya sa pag pasok. Baka kasi pag usapan kami ng mga empleyado. Noong una'y ayaw niya pa, pero kalaunan naman ay umu'o na rin ito dahil sa kakapilit ko. Hindi naman nagtagal ay sumunod na lang din ako sa kaniya, basta hindi lang kami mahalata o makita. I just want to secure the image of Rafael. Mas gugustuhin ko pa na itago na muna, kung ano man ang namamagitan sa aming dalawa. Lalo na sa sitwasiyon ngayon at kay Ms. Ellaina.
Nagpakawala tuloy ako ng buntong hininga at isinantabi muna ang problema.
Naging maayos naman ang umaga naming dalawa at kakaunti lang ang ibinibigay na trabaho sa akin ni Rafael. Parang ayaw niya pa nga akong bigyan ng trabaho, kung hindi ko lang ito pinagsabihan ay hindi niya na ako bibigyan ng gagawin. Kahit may special treatment ito sa akin ay ayoko na namang abusuhin ito. At t'ska nasa trabaho kami, hindi puwedeng wala akong ginagawa. Sekretarya niya pa rin ako, need ko munang isantabi ang personal na bagay sa trabaho. I need to be professional tulad na rin ng mga empleyado rito.
Siya naman ay walang mga business meeting sa labas ng kompanya, kaya hindi ito naging hassle sa aming dalawa. At sa loob din kami ng kaniyang opisina nag tanghalian. Hindi na lang din ako nag reklamo pa dahil sa gusto nito na sabay kaming kumain.
Mabuti na lang din, kahit papano ay hindi pumunta rito si Ms. Ellaina. Hindi ko alam kung paano ko ito haharapin. Sadyang mahirap lang talagang kalabanin ang mayayaman, hindi mo alam gumagawa na pala ito ng paraan, para patumbahin ka. Mahirap maging mahirap, dahil pag ang naka-away mo ay may kapangyarihan ikaw pa rin ang talo at kawawa.
Mag aalas tres na ng hapon ngayon. Hanggang ngayon ay wala ng ibinibigay na trabaho sa akin si Rafael. Siya naman ay maraming ginagawa sa kaniyang opisina, para maaga na siyang matapos at makauwi na kaagad kami. Gusto ko siyang tulungan pero umaayaw pa rin ito.
Kaya ngayon ay nag dra-drawing na lang ako ng kahit ano sa papel. Hindi ko na namalayan na ang iginuguhit ko ay ang eksenang napaginipan ko noon. Ang batang nag mamakaawa na itigil na ang pananakit sa kaniya. Patuloy lang ako sa pag guhit, na hindi ko na pala namamalayang tumutulo na ang mga luha ko. Pati na rin ang dibdib ko ay sumasakit, ayoko na muling makita ang batang iyon. Ayokong malaman pa ang mga pinang gagagawa nila. Ang panaginip bang iyon ay may kaugnay kaya sa akin? Napa-iling naman ako nang wala sa oras.
BINABASA MO ANG
The Painful Love Of Therese (GSS #1 COMPLETED)
Romance❤️COMPLETED❤️ [Under Editing] Gutierrez Siblings Series #1 Therese Isabelle Bitalyes. Walang pamilya ulila na lamang ito. At walang katuwang sa buhay. Hangad niya lang naman ay ang makapagtapos sa pag-aaral. Magkaroon ng sariling bahay. Pera para sa...