Confession #1

13.5K 302 12
                                    

Hi Crush!

Bakit ang pogi mo? Ang cute mo pa mag-smile. Nakatitig na naman ako sa 'yo ngayon. Bakit kaya ang seryoso mo? Iniisip mo ako noh? Hahaha! Chos.

Alam mo ba kung pano kita nakilala? Kung kailan kita unang nakita?

Noon kasi itinuro ka sa 'kin ng classmate ko. Yung araw na yon, yun yung araw na una kitang nakita kaso likod at side view mo lang yun. Hindi ko pa nakikita yung front view mo. Sabi ng classmate ko may kamukha ka raw na artista at ang pogi mo raw. Alam mo ba hindi ako sumang-ayon sabi ko pa nga no'n "Eh? Hindi kaya! Ang layo!"

Nung unang araw na nakita kita nasa lobby tayo no'n kasama ko ang mga classmates ko. Nasa kabilang dulo ka ng lobby at nasa kabila naman kami. Dumaan ka pa nga sa likod ko eh. Nung araw na yun mukhang may hinahanap ka kaya hindi ko masyado nakita ang mukha mo.

Sana makita pa ulit kita para naman makita ko yung kagwapuhan mo. Teka... baka naman ako yung hinahanap mo? Joke.

Yun yung unang araw na nakita kita. At heto ako ngayon, tinutunaw na kita sa mga titig ko. Ang sarap mo titigan sa malayo. Palibhasa hindi ka nakatingin sa 'kin.

Ngiting-ngiti ako hanggang sa...

Shet! Teka! Bakit bigla kang lumingon dito?!

Ang bilis ng tibok ng puso ko! Lalo na nung tumango ka at ngumiti sa 'kin! Pakshet! Kilig na kilig ako! Parang mahihimatay yata 'ko! Hindi ako makahinga!!! Pa-order ng oxygen!

Your stalker,
Isabelle

Hi Crush!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon