Therese "Reese" Villarosa was a 4-time MVP graduate from one of the best collegiate varsity in the Philippines, and was considered as one of the living legends in Philippine volleyball. Volleyball is her passion ngunit sa kanilang championship game ng kaniyang last playing year sa college ay nagtamo siya ng isang major injury na naging dahilan para hindi na siya muli pang makapaglaro ng volleyball. Gayunman ay hindi pa rin niya iniwan ang pinakamamahal niyang sport. Naging isa siya sa pinakabatang head coach sa kasaysayan ng Philippine volleyball nang hawakan niya ang team na hindi pa nakakapagkamit ng kampeonato mula noong mapasali ito sa UAAP-ang Salvatore Women's Volleyball Team. However, leading her team to the collegiate volleyball championship is too far from easy. Liban sa training ng team, challenge din sa kaniya ang patinuin ang bagong students o rookie players ng Salvatore lalong-lalo na ang napakapasaway na Filipino-Italian key player na tinaguriang "The Genius Setter" sa mundo ng volleyball.
88 parts