Ilang beses na akong pumunta doon sa subdivision kaso nahuli pa ako noong isang guard kaya napapauwi ako. Hindi ko nasabihan si Mave tungkol doon sa rule. Marahil ay unang beses pa lang nila sumali pero, may banda na sila dati.
Nanghihiram ako kay Mama ng cellphone. Nakailang message na rin ako sa kanya pero hindi niya nas-seen. Mukhang matagal na siyang hindi nago-open ng Facebook account.
Maaga din akong pumasok, nagb-baka sakali na makita siya. Pero wala.
Ngayon na ang araw ng Foundation Day. At nang band war.
"I miss you, Naya!"
"Kumusta ka na?" Bungad na yakap sa akin ni Haree. Mangiyak-ngiyak pa.
"Okay na ako, salamat..." Tinapik ko ang balikat niya. At bahagyang pinunasan ang nagb-badyang luha.
"Naya!" Hindi pa ako nakakalakad ay niyakap na ako nila Isabell'i at Sha.
"Aray, Sharyll! Ang laki mo." Reklamo ni Haree na nakuha pa ring tumawa.
"Paupuin niyo na si Naya," hindi ako nakatingin sa nagsabi noon. "Na-discharged lang siya, a week ago. She needs to rest."
"Tama si Ryl."
"Uh..." Tumingin ang lahat sa akin. "Ngayon 'di ba 'yung band war?"
"Oo, mamaya daw hapon."
"Tama ba na, sila ang pipili ng kakantahin ng banda at ang ip-portray na grupo?"
"Oo," sagot ni Isabell'i.
"Alam ba nila?"
"Nino?"
"N'ung mga sumali."
"Hm."
"T-tapos, uhm... Lahat ba ng sumali ngayon ay nakasali na din noon?"
"Hindi kami sigurado."
"Mave's group, first time nila," napalingon ako kay Ryl na nakangisi sa kawalan.
Umugong ang bulong-bulungan dito. Nagaalala sila dahil baka daw ma-blanko. Iyon din ang problema ko.
"Hindi ko alam..." Bulong ko pero narinig nila.
"Ano?"
"Nag-practice sila ng songs, pero hindi sigurado kung iyon 'yung ip-portray nila na banda," napatikhom ako ng bibig.
"Paano kung hindi nila magawa?"
"Wala silang grade sa music. Tapos wala din silang mad-donate na pera."Kinakabahan ako sa inyo, Mave.
"Baba na daw."
"Tanga-tanga. 4th year na, alphabetical pa rin?"
"Pati kapag mamamatay, by height..."
Dali-dali kaming pumila ng maayos bago bumaba. Hindi pa rin natatanggal ang kaba ko.
"May problema ba?" Tanong ni Isabell'i na nasa tabi ko na pala.
"Hm?" Napayuko na lang ako.
"Sabihin mo."
"Kinakabahan ako."
"Para saan?"
"Sa banda nila."
"Oh?" Napaawang ang labi niya.
"Malay natin kasi, 'di ba? Nag-practice sila ng ibang song tapos iba naman pala makukuha at map-portray nila," paliwanag ko. Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko nang makitang papasok na kami sa dome.
![](https://img.wattpad.com/cover/248135850-288-k804799.jpg)
BINABASA MO ANG
Onto Another You: Next Dimension (Side of the Universe #2)
Teen FictionOne of the most painful words there could be is "parallel." Those lines never met. But both of them did... Hindi kailanman naghirap sa pagmamahal si Naya Contregiao kahit na kapos kadalasan sa pang-araw-araw. Nananatiling bukas ang kanyang isipan sa...