"Naya..." Napapikit ako sa ani Haree. "Wala k-kang takas dito."
"Alam ko," mamamatay na nga ako. Kung dati natiiis niya pa ang gan'un, ngayon ay hindi na.
Baka magkaroon ng internal hemorrhage.
"Witness ako! Hindi mo 'yun sinasadya, 'di ba?"
"Hindi n-nga."
"Shet oo, tama! Ilalaban kita! Sasabihin ko nagkaroon ng buhay iyong bola at nainis sa kanya."
"Baliw k-ka ba? Sa tingin mo paniniwalaan niya iyon?"
Baka hindi sapat 'yung sorry ko. Baka ma-expell ako dito, baka pagbayarin niya ako...
"H'wag kayong lumapit!" Sigaw ni Lauren sa amin nang aktong lalapit kami. "Isusumbong namin kayo sa Dean, hindi ka na nahiya!"
"Tama na, Lauren."
"Hindi naman niya sinasadya."
"Oo nga, feeling ang puta," ugong ng mga bulung-bulungan sa amin.
"Hindi k-ko naman sinasadya. Ak--"
"No excuses, ir-report namin ito sa nakatataas." Inirapan niya ako.
Si Mave na tinamaan sa ulo, hindi ko alam kung may malay ba siya o wala. Dumating ang tatlong lalaki galing sa clinic, inalalayan siyang tumayo. Kita ko pa ang bahagya niyang paglakad nang bigla na lang mawala ang galaw niya.
Napayuko ako nang pinagtinginan ako ng mga estudyante at teacher dito.
"Go, back to your classes! Hindi sinasadya ni Contregiao ang nangyari," pagtatanggol ni Ma'am sa ilang bumubulong ng sumpa sa akin.
Hindi ko alam ang dapat gawin.
"Opo, Ma'am."
"Nadale lang talaga sa ulo si Mave kasi hindi umiwas."
"Malamang nakatalikod!"
"Kunwari pa 'yan si Mave na may ginagawa, wala naman..." Ani ng isang lalaki na kinuha ang bag niya. Mukhang kaibigan.
"Oo nga. Sabi niya manonood lang siya ng practice ng soccer pero nakatalikod naman, gago." Natatawang wika pa ng isa at sumulyap sa akin.
Manonood ng soccer practice?
"Hindi naman sinasadya. Kung sinadya man, maganda nang tamaan si Mave sa ulo. Baka sakaling matauhan..." Mahina kong tinapik ang balikat ni Sha sa sinabi.
"H'wag ka naman magsalita ng ganiyan." Saway ko at ngumuso sa kanya. "Parehas naman n-namin hindi ginusto 'yun..."
"Shuta ng inang love story 'yan, oh!" Nasapok ni Isabell'i ang sariling noo. "Baliktad."
Love story? Mamamatay na nga ako ngayon dahil sa ginawa ko, ginagawa ninyo pang love story itong buhay ko?
"Nasaan si Ryl?"
"Nandoon sa clinic."
"Binisita niya si Mave?"
"Oo. Magn-nursing si Ryl e, baka sakali daw."
"Naya..." Sabay-sabay kaming napalingon nang may tumawag sa akin sa labas.
Kaagad akong napaayos ng upo kahit bahagyang bumaligwas. Hingal na hingal si Ryl habang nakahawak sa magkabilang bahagi ng pintuan. Magulo ang buhok niya at diretsong nakatingin sa akin.
"Hinahanap k-ka niya."
"Patay na ba?"
"Bobo, patay na pero hinahanap si Naya."
"Malay mo kaluluwa."
"Sama kami," ani Haree at diretsong tumayo. Mabilis na hinawakan ko siya sa pulsuhan at pinigilan.
BINABASA MO ANG
Onto Another You: Next Dimension (Side of the Universe #2)
Ficção AdolescenteOne of the most painful words there could be is "parallel." Those lines never met. But both of them did... Hindi kailanman naghirap sa pagmamahal si Naya Contregiao kahit na kapos kadalasan sa pang-araw-araw. Nananatiling bukas ang kanyang isipan sa...