Chapter 27 : Expulsion

33 7 0
                                    

"Okay ka na, Naya?" Tanong ni Haree. "Sorry, hindi ka na namin nasundan pagkatapos noon."

"Okay lang, Haree. Si Mave nasaan?"
Kaagad na hinanap siya nang mata ko.

"Lumabas saglit. Naiwan 'yung bag, siraulo din." Napailing na lang siya.

"Ninang!" Tumatakbong sigaw ni Joaquin. "Okay ka na?"

Nagkatinginan silang dalawa ni Haree.

"Okay lang ako, gusto kong makita 'yung babae kanina. Pwede ba?"

"Tinawag na ni Ruben." Gilalas niya pa. "Ninang, may excess eyelashes ka pa. Naglalagay ka niyan, 'no?"

"Hindi." Napa-facepalm ako. "Lipstick lang, k'onti."

Nangangati mukha ko sa make-up. Hindi ako masyadong sanay kasi hindi ko pa nasusubukan.

"Ay, wait." Tumayo siya kaya sinundan ko ng tingin. Lumapit siya sa akin at tinitigan ako para matanggal ang sinasabi niyang pilikmata.

Napapikit ako sa pagpitik ng isang kamay sa kanya.

"Layo." Babala niya.

"Oo nga, wait lang. Tinanggal ko lang 'yung excess." Laban ni Joaquin. "'Cause you don't know this..."

Si Joaquin. Ka-gwapong lalaki, hindi mo mapagkakamalan.

"Oo, alam ko. Ang sabi ko lang lumayo ka ng kaunti, baka naaalibadbaran siya sa pagm-mukha mo. Mainit ulo niyan ngayon."

Ituturo sana ako ni Mave nang irapan ko agad siya. "See?"

"It's natural. Lalo na sa aming mga gir--"

"Gagi."

"I'm just kidding." Bawi niya dito.

"Nandito na siya." Bungad ni Ruben.

"Ate Naya..."

Napatayo ako nang makitang siyang nakayuko at hawak ang saklay. "Ate Naya, ayos ka lang?"

"Ayos lang ako." Teka, paano ba ako magsasalita? "Uh, ikaw ba? Hindi ka nasaktan? Hindi ka nabasa?"

Napatikhom siya ng labi. "Nabasa po ako ng k'onti pero ayos lang naman."

"Mabuti naman."

"Sanay na rin naman po ako sa kanila." Nagkatinginan kaming dalawa ni Mave nang may gulat sa mukha.

"That's why. May ilan akong nakuhang reports tungkol sa 'yo." Hinila niya ako paupo kaya sinamaan ko ng tingin. Simple siyang ngumiti. "And your name is... Odessa?"

"Opo, Kuya Mave."

"Shuta... ngayon lang ako nagpatawag na Kuya." Kunwaring inis na bulong ni Mave.

"Okay na 'yan. Matanda ka na naman." Bulong ko pabalik.

"Sige, mamaya aanakan na kit--"

"As if naman ikaw 'yung pangarap kong magiging Ama ng mga anak ko."

Buti na lang kung nasa Hellevator ka.

Inirapan niya lang ako. "We'll talk later. Anyway, you're already 17 this January. Uh. Hindi ka nakakakita simula... pagkabata?"

"Opo."

Napanguso sa akin si Haree kaya lumapit ako at iniwan si Mave na nakaupo sa kama. Napanganga siyang nagpalipat-lipat ng tingin sa amin. Lalo na noong yakapin ako nang mahigpit ni Haree sa tagiliran ko.

"O-oh." Pilit na nagsalita si Mave pero nagi-irapan na sila ni Haree. "Okay."

"Mae, ba't bigla kang naghalungkat ng mga lumang kaso at report?" Tanong ni Joaquin.

Onto Another You: Next Dimension (Side of the Universe #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon