Chapter 44 : Died

37 8 0
                                    

"Ang galing," manghang sabi ni Mikaila habang nagw-welding si Oliver.

Ngayong araw namin balak tapusin. Ilang buwan simula noong nagplano kami sa paggawa. Inaasahan namin na magiging matagumpay ang kalalabasan nito. Si Wren ang nagdisenyo.

"Si Oliver pa ba? Magaling kaya mag-welding iyan." Pabirong ani Ryl na alam kong may ibang ibig sabihin.

"Oo nga, mas magaling nga lang sa vulcanizing. Nuks!" Tumawa ang mga lalaki kong kaklase, pati si Oliver ay napatanggal ng suot na salamin.

"Tangina mo, manahimik ka." Saway niya sa kaibigan. "Ang dumi ng utak mo."

Hindi ko maiwasang mapangiti sa kanila.

"Introduce yourself..." Kinusot ko ang ibabang bahagi ng uniporme ko.

Bagong-bago ako sa section nila. Ayaw kong maging section 1 pero, inilipat ako. Ayaw ko nang may nangp-pressure sa isipan ko.

"Uh, hello." Kitang-kita ko sa mga labi nila ang pagngiti. "I am... Naya Molinete Contregiao."

"Hello."

"Welcome sa section namin!"

"Ang ganda niya..."

Puro magagandang feedback ang naririnig ko sa kanila. Walang sinuman ang masama ang sinasabi tungkol sa akin.

Napangiti ako. Tanggap nila ako ng buo sa section na ito, mam-miss ko nga lang ang mga dati kong kaklase.

"Hi..." Bati ng isang babaeng maganda nang makaupo ako. "Ang ganda mo, para kang beauty queen. Siguro bagay sa 'yo long hair para twinning tayo." Pagd-daldal niya at bahagyang natawa.

"Salamat..." Pilit kong iniwas ang tingin.

"Isabell'i..." Pagpapakilala niya.

"Naya na lang."

"Okay, Naya na lang." Natawa siya sa panggagaya. "Matalino ka pala, mas mataas pa average mo noong 1st semester kaysa sa average ng valedictorian sa buong buhay ng pag-aaral niya." Pagnguso niya.

Naging madalas na ang pag-uusap namin ni Isabell'i, siya ang unang nakipagkaibigan sa akin sa section na ito. Minsan nga nakokonsiyensya ako dahil ako ang dahilan kung bakit siya napapagalitan, nagk-kwento siya sa akin.

Dire-diretso lamang ang paglakad ko papunta sa school, iniisip kung paano ako hihingi ng tawad. Hindi kaya nagalit siya sa akin dahil napalabas siya? Kasalanan ko iyon.

Saktong liko ko sa hallway ay nauntog ako sa isang matigas na bagay. Napahilot ako sa noo ko. May isang lalaki ang bigla na lang sumulpot.

Iniwasan ko lang iyon at muling naglakad. "Ayos ka lang?" Bungad ni Isabell'i.

"Nakita mo?"

"Oo," sabay pa naming binaling ang pinanggalingan ko ngunit wala na d'un ang lalaki.

"Okay lang, Sab--" Napahinto ako nang hilahin niya.

"Dapat mag-sorry 'yung lalaki." Pangaral niya.

"Hindi na, hindi naman sinasadya." Napanguso ako nang hindi siya makinig.

"Hoy!" Tawag ni Isabell'i nang maabutan namin. "Mag-sorry ka kay Naya. Nasaktan siya."

"Hindi nga..." Ako 'yung lutang, hindi siya. Dahan-dahang lumingon iyon lalaki.

Nakapasak ang earphones sa kanan niyang tenga, ang isa ay wala. Siguro kaparehas lang namin siyang Grade 9 dahil sa kulay ng I.D. Kumunot ang noo niya at lalong nagtaka.

"Mag-sorry ka..." Utos ng kaibigan ko. "Inuntog mo si Naya, ang laki-laki mo kasi!"

"Sino ba kayo?" Tanging tugon niya. "Kayo ba anak ng may-ari ng school na 'to?"

Onto Another You: Next Dimension (Side of the Universe #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon