"I've decided na, pauwiin kayo ng maaga."
Napapikit ako sa malakas na pagbubulungan nila. Hanggang dito ay rinig ko.
"Marami akong inaasikaso na mas importante sa inyo," pagbibiro niya agad na nagreklamo sila. "I'm just kidding. Ako ang mag-aasikaso ng test papers niyo for the 1st test, next month."
Nagsimulang mag-ingay ang mga kaklase ko. Nanghihingi sila ng answer key sa Mathematics at sinabing mamaliin na lang nila ang iba doon.
"Sige. Pero lahat ng pasado, 3.6 ang grade." Babala niya.
"Ma'am ano sagot sa 1?" Natawa si Ma'am Drea sa tanong ni Oliver.
"Ikaw Geron, ha?" Babala niya kaya napanguso si Oliver. "Let's make a deal, kung ikaw ang makakakuha ng highest points, sagot ko ang lunch mo sa kahit anong resto for one week."
Napangiti ako, ngunit nakaramdam ng hiya nang awayin nila. Naniniwala sila na ako itong magiging top sa exam at sa akin mapupunta ang ipinangakong isang linggong lunch.
"Mortel, paki-tingnan nga kung may tao sa labas?"
"Bakit, Ma'am?" Sandaling tumingin siya sa 'kin pero hindi sumagot. "Wala naman po..."
"Good... Paki-sara ng pinto," utos niya pa.
"Ms. Contregiao, isa ito sa dahilan kung bakit ko kayo pauuwiin ng maaga. Ayaw kong magkaroon na naman ng gulo diyan sa baba." Paliwanag niya sa akin.
Sana nga po ay hindi.
"Ma'am kasi, hindi pa kami tapos sa tatlo pa pong subject," pagbabawi ko. Math, Science, at Biology 4 pa.
"Magpaubaya ka naman sa amin, Naya," hiyaw nila. "Minsan lang ako makakagala."
"Sumobra naman sipag mo sa pag-aaral." Bahagya siyang natawa. "Hindi na ako magtataka kung ikaw ang valedictorian ngayon. Pero don't worry, ngayong araw lang naman."
"Yes p-po, Ma'am... Salamat po." Tanging naisagot ko sa kanya. Ngumuso ang karamihan ng kaklase ko.
"Okay, you can now go. Class dismissed. Make sure na uuwi na kayo, ha? Kung me'ron kayong pupuntahang iba, sabihin niyo muna sa akin." May iilang estudyante ang lumapit sa kanya at nagpaalam.
Mabilis na kinuha ko ang bag at aktong aalis nang pigilan ako nina Oliver.
"Bakit?"
"Sabay na kami sa 'yo," simpleng sagot niya. Kasama niya sina Haree at Isabell'i.
Ngumiti ako sabay iling. "Huwag na, ayos lang."
"Hindi na. May dala akong kotse, sasabay din naman sila." Turo niya sa dalawa.
"Kasi, hindi... May pupuntahan p-pa ako."
"Naya, we just want to make sure na hindi ka uuwing basa at madumi. Nakita namin kahapon 'yung nangyari," singit ni Haree na nagpatigil sa akin.
Hindi pwede... ayokong madamay kayo.
"Look, Naya. Wala sila ngayon, maaga ang dismissal at alam naman nating section lang natin ang pinauwi ng ganito kaaga," ani Isabell'i. "Please, kahit ngayon araw lang, umuwi ka naman ng matino, at malinis."
Hinawakan nila ako sa magkabila kong braso. Parehas silang kumapit doon at tuwang-tuwa.
Inayos ko sa likod ang backpack ko at sumunod kami kay Oliver. Knowing Haree, masyado siyang matapang. Naalala ko noong nakipag-break sa kanya 'yung dati niyang boyfriend ay sinapak niya. Pero iyong boyfriend niya naman ang na-expell dahil sa isang lalaki.
"Baka kasi inaabangan din nila ako doon..."
"Naya Molinete Contregiao, okay lang. Easy lang, kaming bahala sa 'yo," inilihis ni Haree ang manggas ng uniporme na para bang handa nang makipagsapakan. "Medyo namamanhid na rin kasi itong kamay ko, matagal na simula noong nakasapak ako."
![](https://img.wattpad.com/cover/248135850-288-k804799.jpg)
BINABASA MO ANG
Onto Another You: Next Dimension (Side of the Universe #2)
Teen FictionOne of the most painful words there could be is "parallel." Those lines never met. But both of them did... Hindi kailanman naghirap sa pagmamahal si Naya Contregiao kahit na kapos kadalasan sa pang-araw-araw. Nananatiling bukas ang kanyang isipan sa...