Chapter 23 : Books

39 7 2
                                        

Haree's Point Of View

"Putangina mo, Oliver. Gising! Lalaban ka pa sa Zombie Apocalypse, 'di ba?" Marahan kong sinampal-sampal ang mukha niya.

Nakahilata siya ngayon sa maduming kama ng clinic na dati pang nilabahan.

Isang malakas na sampal ang iginawad ko kaya nagising ang loko. "Ang OA mo, tanga!" Sigaw ko sa mukha niya. Gulat siyang tumingin sa akin.

Lalong tumalim ang tingin niya. "Yawa k-- aray."

"Nauna ka pang himatayin sa amin!" Tiningnan ko ang paligid. "Kita mo, hindi ko tuloy nakita kung anong sumunod na nangyari!"

Ako mag-isa ang nag-alalay sa kanya papunta dito. Ako lang naman ang nag-volunteer... Ang arte kasi.

"Ang tanga mo kasi, alam mo namang parehas feelings nila sa isa't isa, nagulat ka pa?"

"Sinong h-hindi? Kayo din naman."

"Syempre! Gulat kami, 'no." Sabi ko sa seryosong mukha bago tumingin sa kanya. "Oh, ano? Ihahanda ko na ba 'yung barong mo na may hiwa sa likod?"

"'Lah, gago... Hindi pa nga ako mamamatay."

"Sabihin mo kung okay ka na!"

"Hindi p-pa, nahihilo pa ako."

"Tangina mo, hindi ko na alam sumunod."

"Sigurado namang kumalat na 'yu--"

"Shh..." Pigil ko na ikinagulat niya. Ngayon ay naupo pa ng diretso at tumingin sa akin.

"Bakit?" Bulong niya sa tenga ko. Hindi ko siya malingon dahil sa pwesto.

Baka makahalik ang gago.

"May mga estudyante sa kabilang room."

Tumikhom ako ng bahagya.

"Totoo pala 'yun?"

"Malamang, obvious naman n'ung nakita natin sila."

"Oo. 'Di ba, si Ate Naya pa nga ang nag-approach noon sa 'tin?"

Sila Naya...

"'Di ba nga, nakapatong pa ulo ni Mave sa balikat ni Naya?"

"Malay natin."

"Hindi naman basta-basta ganiyan si Mave, kay Naya lang talaga--"

Halos mapasigaw ako nang maapakan ni Oliver ang paa ko, sa sobrang hapdi ay saglit akong napatili kung hindi lang niya hinugot ang kamay ko at niyakap ang kabuuan ng katawan ko patalikod. Tinakpan niya rin ang bibig ko.

"Shh..." Bulong niya.

Kung hindi lang talaga para kay Naya ito, makakasapak na ako. Nakinig pa kami lalo.

"Madalas ko ngang nakakausap si Mave, bumabait siya ngayon..."

Kung nalaman ni Mave pangalan nito, baka dumiretso na sa karo.

"Naka-move-on na pala 'yan kay Florein?"

"Oo nga, akalain ba nating totoo."

"Sana this time, hindi na sumablay."

"Si Mave ba?" Tanong ng demonyo sa likod ko. "Isa pa lang nagiging girlfriend niyan. Pero, tumagal ng ilang taon."

"Kung susumahin natin ang kay Naya, walang problema. Tatagal rin ang relasyon nila... kung sana ay h'wag pakialaman ng pamilya."

"Tapos?" Tapos ka na? "Sh--"

"Share ko lang." Pikon na aniya pa bago muling nakinig. Muli niyang tinakpan ang bibig ko.

Onto Another You: Next Dimension (Side of the Universe #2)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon