Chapter 20 : Awkward

49 6 1
                                        

"Hindi umabot ng a-kinse ngayon. Nanghiram muna ako sa Mama ni Lennybel, sabi kong sa darating na 13th month bonus babayaran. 2,500 din 'yun."

"Sabi ko sa 'yo, Ma. Hindi ko pa naman po ginagamit 'yung ipon ko. Pwede nating biyakin itong alkans--"

"Hindi na, kaya na natin ito. Sadyang nagkulang lang at tsaka kapag may paggagamitan ka sa school ninyo."

"Hindi ko pa naman po g--"

"Hay nako, Naya. Magtigil ka!" Napanguso ako nang ako pa ang mapagalitan.

"Ma..."

"Bakit?"

"Pwede magpaalam?"

"Magd-date kayo ng boyfriend mo?"

"Wala po akong boyfriend!"

Ngumisi siya.

"Alin ba?"

"Gusto ko sanang mag-trabaho." Seryoso siyang napatingala sa akin. "Kasi, simula daw po sa isang lunes, maaga na po kaming uuwi dahil sa naging desisyon ng nakatataas. Maaga na din ang pasok."

"Tapos?"

"Minsan po kasi nababagot ako dito sa bahay. Wala naman po kaming ginagawang mga assignments dahil d'un sa isang hamster. Wala na din po kaming pasok tuwing Saturday."

"Sigurado ka ba?" Tumango ako.

"Opo, Ma," desidido na ako. "Gusto ko rin makatulong, katulad ngayon, nagkaka-utang-utang na tayo. Para na rin po sa pandagdag."

"Hmm." Napangiti ako sa mabilis na pag-sang-ayon niya. "Kung gusto mo. Siguraduhin mo lang na legal iyan at hindi ka maggagagawa ng kung ano, ah?"

Napakamot ako ng ulo ko. "Oo naman po. Ipapaalam ko po sa inyo kaagad, promise..."

"Sige. Paano iyong schedule mo sa school?" Tanong niya habang nagbibilang ng sweldo. "Kakayanin ba ng trabahong binabalak mo?"

"Uh, baka humanap na lang po ako ng part-time job. Para lang po pakauwi ko galing sa Academia, pwede rin pong pumasok kahit anong oras at araw." Paninigurado ko.

Kada-araw ng pasok din ang sweldo noon. Gusto ko lang malibang.

"Hindi ba maaapektuhan ang pag-aaral mo at iyan kapag pinagsabay?"

"Ano ka ba, Ma? Wala kang tiwala sa akin. Kaya ko."

"Or baka, mawalan ka naman ng bebe-time?" Nanlumo ako sa tanong niya.

"Wala nga po akong boyfriend..."

"Talaga?"

"Oo nga po, kailan ba ako nagsinungaling sa inyo?" Nagkibit-balikat siya.

"Humanap ka na kaya." Napairap ako sa suhestiyon niya.

Hanapan mo po ako.

"Sige, Ma..." Kunwaring pagsang-ayon ko. "May mairereto ka ba?"

"Gusto ko doon sa ikinuwento ng mga kapatid mo." Napataas ang kilay ko.

Hay nako, Levi... Alam kong ikaw nangunguna diyan.

"Hindi ko pa alam diyan sa pinagsasasabi ni Levi." Tumayo ako para uminom ng tubig dahil nawalan yata ako ng boses.

"Ipakilala mo kaagad sa akin, ha? Huwag mo nang patagalin."

Sabi ko nga po.

Napatingin kaagad ang mata ko sa bubong nang maggising. Kumurap-kurap ako ng bahagya para luminaw ang mata.

Onto Another You: Next Dimension (Side of the Universe #2)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon