Chapter 22 : Gift

33 7 0
                                    

"Ano na, Naya? Pati ako hindi makaalis dito dahil diyan."

"Ma, n-naguguluhan kasi ako."

"Naguguluhan? O nagugustuhan?"

Sige, Ma. Dagdagan mo pa po...

"Lalong gumulo!" Naidamay ko ang buhok nasa ibang direksyon na papunta.

Natawa siya kahit hindi naman dapat. "Ano ba kasing isinagot mo? Pati ako nac-curious diyan."

"Wala n-naman."

"Siraulo ka ba?"

"E! Sabi ko po hindi ko alam. Pag-iisipan ko p-pa, magpapaalam muna ako sa inyo."

"Anak ng-- hindi ako ang magd-desisyon para sa 'yo, bata ka! Kung pwede lang, ako na sumagot diyan. Dapat nag-oo ka na."

"Ikaw po kaya magpaligaw." Pitik lang ang nakuha kong sagot. Nag-rant na naman siya.

"Sinasabi ko lang kung ano ang nararapat na sagot lalo na kung ganiyan nararamdaman mo. Paano kung nauna nang sumuko 'yung tao kahihintay sa 'yo?" Napanguso ako sa tanong niya.

"Handa naman daw po siyang maghintay--"

"Kaya nga dapat habang maaga pa, hayaan mo nang dumaloy ang nararamdaman mo. Okay? Sabihin mo payag ka na, tutal liligawan ka pa lang, 'di ba?" Tumayo siya dahil sa inis.

"Hay, Naya. Matagal na akong humihingi ng manliligaw para sa 'yo, ngayong me'ron nang gusto at naglakas-loob na kalabanin ako, ayaw na?" Tanong niya. Napatalon ako ng bahagya sa kinauupuan nang bigla niyang hampasin ang lamesa.

"Hindi ko po y-yata kayang pagsabayin ang pag-aaral, tapos pagn-nobyo." Napayuko ako.

"Pwede naman kasi, Naya..." Banat pa ni Mama. "Una sa lahat, legal ka na. Matanda ka na."

"19 pa lang po ak--"

"Ay nako, matanda na 'yun!" Pigil niya agad. "Pangalawa, ikaw pa? Multi-tasker ka kaya!"

"Ma, iniinsulto mo ba ako?"

"Pangatlo," tinaasan niya ako ng kilay. "Imbes na gawin mo siyang hadlang sa pag-aaral mo, gawin mo na lang inspirasyon. Much better."

Natahimik ako.

"Kapag nalaman 'yan ng mga kapatid mo, puro, Ma, ako na diyan, na naman ang maririnig ko."

"'Yun lang? Kaya mo po ako pinipilit na jowain siya, para tumulong sina Aien sa gawing bahay?"

"Hindi naman. Pero pwede na, hindi lang 'yun ang main point ko, Naya. Sinasabi ko, kung may nararamdaman ka talaga sa kanya, 'wag na 'wag mo nang pigilan." Nagkibit-balikat siya. "Halata mo naman sa kanya ang sincerity."

Subukan ko po.

Ilang araw na akong maagang pumapasok simula noon, pero hindi ko talaga siya makita. Kahit sa klase niya ay wala. Sasabihin ko na sa kanya ang sagot ko, kaso wala pa siya dito.

Nang makahanap ng trabaho na malapit, pumapasok doon tuwing kailangan lang ako.

Nakahanap ako kaagad sa Mayall, nagpaalam muna ako sa City Hall nila. Ang available lang ay sa bus, malaki din ang sweldo kung tutuusin. Makakatulong na kay Mama kahit konti. Naka-isa't kalahating linggo na rin.

Nakakatulong din sa akin dahil kapag tapos na ang trabaho, nagb-boluntaryo na ang driver na ihatid ako sa bahay.

Nag-iisa lang ang pasaherong nakikita ko dito, isang lalaki na parang balisa.

Onto Another You: Next Dimension (Side of the Universe #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon