Chapter 37 : Disappear

47 7 0
                                        

"Good morning, Ma'am. Welcome to Nirhilei's K-chen." Sumasakit na ulo ko ngunit, ayos lang. Ito na rin ang huli.

"Kuya, apat na order daw ng Mandu!" Sigaw ko mula sa labas.

"Number 12, Ms. Naya."

Agad kong inilista ang numero para sa order.

Paalis pa lang ako nang marinig ang tugtog mula sa TV. Tanging mga sigawan ng mga babaeng nanonood ang rinig ko.

Asawa ko silang walo. Kahit hindi nila alam, paninindigan ko.

"Number 10-11-12, Ms. Naya!" Napatalon pa ako ng bahagya sa sigaw ng staff.

"Thank you po." Lakad-takbo kong tinahak ang daan, ngunit maingat.

"Here's your order, Ma'am and Sir. Thank you, have a great day." Paulit-ulit kong sabi sa mga costumer.

Naka-isang buwan na ako dito sa K-chen mula nang maka-usap ko si Ma'am Erihn. Sobrang bait niya at napaka-approchable. Madalas din silang nagkukulitan n'ung dalawa pa niyang kaibigan, nagmumurahan at nagbabardagulan. Natawa ako. Katulad sila ng mga kaklase ko.

"So, putangina. Totoo 'yun?" Tanong ng isang kaibigan niya. Base sa kwento ni Ma'am ay iyon ang pinakamatanda sa kanila. "Sinabunutan at inuntog mo si Monique?"

Napanguso ako nang marinig na naman ang usapan nila sa kabilang gilid. Si Ma'am Erihn ay nagp-process ng fees sa café, kanina niya pa binabatukan mga kasama niya dahil ayaw daw tumulong.

"Maybe..." Nakataas na kilay na sagot ng kaibigan nila.

"Gago ka!" Singhal nito. Akala ko ay pagagalitan siya dahil siya ang pinakabata ngunit... "Bakit hindi ka nagtawag? Ha? Bastos kang bata ka. Hindi mo man lang kami sinama." Sabay ngiwi.

"Hindi na ako nakatiis," muling ngumisi ang kaibigan ni Ma'am. "Siguro umiral ang kademonyo-han sa kamay ko kaya nagka-gan'un." Simpleng paliwanag niya.

"Last na ito, Ms. Naya... Uwing-uwi na rin ako." Bulong ni Yem, isa ring lalaking staff dito. "May naghihintay sa 'kin sa bahay e." Tumaas-baba ang kilay niya.

"Ah," Bahagya akong natawa. "Ako hihintayin ko pa boyfriend ko dito e, tsaka ako magpapaalam kay Ma'am Erihn na uuwi na." Paliwanag ko pa.

Napakamot siya ng batok. "E iyong boyfriend mo parang naghahamon lagi ng away. Ang sama makatingin."

Muli akong natawa sa sinabi niya. Totoo naman gan'un si Mave, laging matalim ang paningin niya sa kahit sino. Kahit sa mga kaibigan, kakilala at guro na kausap ay ganoon ang napapansin ko.

"Pasensya na, ganun talaga mata n'un." Pagpapalagay ko na ikinatawa niya. "Kapag natingnan ka, umiwas ka na lang. Pero, kapag naging kaibigan mo siya, makikita mo mismo kabaitan niya."

Hindi ko lang sigurado kung gusto ka niyang maging kaibigan.

Nang maihatid ang huling order ay hinintay ko munang umalis ang mga costumer. Minsan ay isang grupo sila na nab-book dito sa café, tulad ngayon. Sabay-sabay silang lumabas.

"Ma'am..." Tila inasahan niya na ang paglapit ko.

Namangha ako nang makita ang mukha ng dalawa niyang kaibigan. Mas napukaw noong mas bata niyang kaibigan ang atensyon ko.

Ang ganda niya. Mukha siyang model sa ibang bansa.

"Here."

"Salamat po, Ma'am."

"Aalis ka na?"

"Uh, opo. Bakit po?"

"'Wag muna!"

Napakurap-kurap ang mata ko. "Ma'am may kailangan pa po ba kay--"

Onto Another You: Next Dimension (Side of the Universe #2)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon