Nitong nakaraang linggo ay wala silang ginawa kung hindi mag-kwentuhan tungkol sa nangyari. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nahuhuli ang mga nant-trip kahit nai-report nila.
Naging tipid na lang din ang pag-uusap namin ni Mave dahil doon. May galit pa rin siya sa akin hanggang ngayon pero, hindi maitatago ng mga mata niya ang naturang pag-aalala.
O kung ganoon nga.
"Tama si Kuya Rain mo," pag-sang-ayon ni Mama. "Mga nant-trip talaga 'yun sa daan. Nananakot gamit ang baril."
Hindi ko maiwasang mapatitig sa labi ni Mama. Namumutla iyon pero, parang wala lang sa kanya.
"Kaya dapat hindi ka na dumaan doon..." Pangaral niya. "May daanan naman sa iba pero, d'un pa kayo nagtungo."
"Hindi po namin alam."
"Sabihin na nating mas maikli iyong daan kaysa d'un sa isa pa. Pero, may posibilidad na kapag doon kayo dumaan, mapaikli din buhay niyo." Napailing siya. "Alam ng boyfriend mo 'yun, kaya ka pinagbawalan..."
"At dahil matigas ulo mo, hindi ka nakinig. Ayan, nagalit."
"Hanggang ngayon hindi pa rin niya ako kinakausap." Napabuntong-hininga ako.
Nakakapanibago sa puntong ito. Simula noong na-ospital si Mama, kitang-kita ko ang agarang pagbabago sa pakikitungo niya.
Palagi kong iniisip na sana ay parte lang talaga ito ng relasyon namin. Bihira na lang kung makita ko siyang nakangiti at madalas pa doon ay aksidente lang. Napapansin ko rin ang pagiging balisa sa problema niya. Hindi naman siya nagsasabi.
Problema ko ito. Ako ang aayos, hindi ka dapat madamay. Iyon ang mga salitang naririnig ko kapag nagtatanong ako. Gusto ko lang naman malaman kung ano iyon. Gusto kong problemahin ko din 'yun, hindi pwedeng siya lang. Gusto kong iparamdam sa kanya na me'ron siyang ako, me'ron dadamay sa kanya.
Bibili pa siya ng pang-maintenance niya. "Ubos na ba, Ma?"
"Oo. Hayaan mo na, hindi na ako bibili."
"Bakit? Dapat tuloy-tuloy lang 'yun."
"Hay, nako!" Singhal niya. "Makinig ka sa akin. Ang tigas ng ulo mo, sinabing magaling na ako."
'Yung sakit niya ang nam-mroblema sa kanya. Hindi siya.
"Galingan mo sa pageant mo bukas. Hindi ako makakapunta kasi may iba akong gagawin pero, suportado kita. H'wag kang kabahan." Pagpapalagay niya pa.
"Salamat po..."
Hindi naman ako kinakabahan na sa mismong pageant. Kinakabahan ako sa isusuot kong gown at 'yung sa outfit na ir-represent ng section namin. Ang ikli ng palda. Hindi ko alam kunng palda pa ba tawag doon, parang lingerie na. Tapos sasabihin na naman ng mga kapatid ko, mataba ako.
Napapayuko ako sa bawat bati nila sa akin. Simula kanina ay marami na sa mga estudyante dito ang chini-cheer ako nang malaman na kasali sa pageant.
Pati pagpunta sa school ay obligado nang nakasuot ng makeup. Hindi ko alam kung anong purpose n'un pero, nangangati talaga mukha ko.
Hindi naman sa 'di ako sanay, sadyang wala lang siguro akong hilig dito simula noon.
"As if naman na mananalo siya."
"Hindi bagay mga cheap d'un."
"Matatalo naman siya ni Florein, don't worry."
Hindi ko na lang pinansin ang mga panggulo. Kung may oras sila sa akin, ako wala. Pasensyahan kami pero, hindi ngayon.
Sasali rin si Florein. Well, wala nang kataka-taka kung mananalo talaga siya. Mas maganda siya sa akin at mas matalino. Lahat na yata ng estudyante kilala at gusto siya ditong manalo.
![](https://img.wattpad.com/cover/248135850-288-k804799.jpg)
BINABASA MO ANG
Onto Another You: Next Dimension (Side of the Universe #2)
Teen FictionOne of the most painful words there could be is "parallel." Those lines never met. But both of them did... Hindi kailanman naghirap sa pagmamahal si Naya Contregiao kahit na kapos kadalasan sa pang-araw-araw. Nananatiling bukas ang kanyang isipan sa...