Chapter 5 : Loud

66 7 0
                                        

"Ate!" Nakabibinging sigaw ang ang bungad sa akin ni Levi. Yumuko ako para halikan siya sa pisngi.

"Opps, basa si Ate." Pigil ko kay Aien nang aktong papasan siya.

"Ate, buti pa liligo." Seryosong sabi niya at itinuro ang nakatatandang kapatid. "Si Kuy Levi ayaw ligo, sabi ni Mama."

"Hindi ako naliligo kasi sabi ni Mama magtipid daw sa water." Dire-diretsong laban nito.

Bahagya ko siyang sinabunutan. "Loko ka, ah?" Alam kong nagtitipid kami sa tubig dahil si Mama lang ang may trabaho. "Ilang araw ka nang hindi naliligo?"

Sandali niyang inilagay ang kamay sa baba at nagisip. "'Ah!" Tumingin siya sa taas kaya napatingin din kami. May kung parang ano na naisip siya. "Last Friday huling ligo k--"

"Wednesday na ngayon? Ano? Kailan mo balak maligo?" Binatukan ko siya.

"Sa Friday ulit, Ate. Hihi." Tawang-tawa siya habang nakahiga sa papag.

Kinurot-kurot ko ang tiyan niya kaya nakikiliti siya. Habang ito namang bata ay nakapasan na sa akin.

"May boyfriend ka na, Ate?" Literal na natigil lahat.

"Huh?" Siraulo. "Wala. Wala pa akong boyfriend, hindi ko pa priority 'yun."

"Weh?"

"Anong weh?" Muli kong kinurot ang tiyan niya at laking pasalamat ko nang tumulong itong isa.

"A-ray, Ate. Haha. Tama na, aray. Aien kasi, ahh!" Sigaw niya at mabilis tumayo.

At bakit niya naman naisipang itanong iyan? Kung ano-anong natututunan nito. "Saan mo nakuha 'yan? 8 years old ka pa lang, tsk."

"Hindi. Ate, kasi." Itinuro niya ang puting polo na nakasampay sa taas na bahagi. "Sa boyfriend mo 'yan?"

"Ah? Hindi." Umiling ako at mabilis naman siyang naniwala. "Sa a-ano 'yan..."

Ano bang sasabihin ko? Kaibigan? Hindi. Hindi kami magkaibigan.

"Sa?" Pag-uulit niya at inosenteng humiga muli. Dumagan naman sa kanya si Aien na ngayo'y pinaglalaruan ang buhok ng Kuya.

"Sa kakilala ko," tumango siya. "Kasi ganito 'yun, nadumihan ko 'yung polo niya noong bumangga ako, may mantsa. Ayun, pinalabahan sa akin."

"Pupunta ba siya dito, Ate?" Tanong ni Aien na nakataas ang paa.

"Hindi. Bakit naman siya pupunta? Syempre, parehas naman kami ng school kaya ako na magdadala." Mahinahong sabi ko.

"Aw, sayang." Ngumuso sila parehas.

Bakit gusto nila papuntahin?

"Si Mama?" Nawala sa isip ko nang makarating ako.

"Nasa tarbaho."

"Wawalis siya. 'Di pa umuuwi."

Iniiwan nga pala sila ni Mama dito kapag pupunta na sa trabaho. Kaya naman na nila, minsan kasama nila si Jing dito, 2nd cousin ko.

Nagaalala lang talaga ako kapag may mangyaring masama. Paano kapag may sunog? Paano kung naaksidente? Mabuti na lang at marami ang kaalaman ni Levi, wala lang talaga kaming choice.

"Tulog na kayo." Pagaayos ko sa higaan nila ng mapansing inaantok na sila.

"Good night, Ate." Paghihikab ni Aien. Inayos ko ang damit niya dahil nakataas.

"Good night, Ate. Love you. Sweet dreams." Tumagilid si Levi at niyakap ang kapatid na nakatihaya naman.

"Love you. Tulog na..." Nakatulog na sila pero hindi pa kumakain.

Onto Another You: Next Dimension (Side of the Universe #2)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon