Nakaramdam ako ng panghihina habang makapag-impake ng gamit. Hindi ko dinala lahat dahil hindi naman ako tuluyang aalis doon.
Pinayagan ako kaagad ni Mama nang makapag-paalam sa kanya. Sinabi ko na kay Levi kaya naiintindihan naman niya pero si Aien, kung hindi ko pa sabihin na kasama ko naman si Mave ay tuluyan na siyang iiyak.
"Anong sabi ng Mama mo?" Inabot ni Isabell'i ang box sa akin.
Doon kasi namin bubunutin ang susi para sa kwarto, mabuti na lang at buong floor noon ay ang section lang namin.
"Wala. Ang sabi niya... alagaan ko daw itong mattress ko."
Nagtawanan silang nagpapabunot.
"Nand'un ba si Mave?"
"Syempre, feeling anak din 'yun e."
"Anong sabi niya?"
"Ngumisi lang tapos natawa. Sabi niya 'wag kang mag-alala Mama, ako bahala dito. Sasabihin namin sa 'yo agad. Bubusugin ko po si Naya.'" Bahagya pa akong matawa nang makabisado ang linya niya.
"Anong nakuha mo?" Bulong ni Wren.
"11." May drawing na stars ang chain ng susi.
"10 akin, magkatabi tayo." Bulong niya ulit pero hindi niya na maitatago ang tuwa. "Tara na, sabay na tayo."
"Katabi ko si Naya!" Panunukso ni Wren kay Oliver.
"Tangina, ang layo ko ampucha. Three."
"Ay, si Haree din five." Fact-check ni Isabell'i. "Ako twelve, si Roy thirteen."
Nang makapasok sa kanya-kanyang kwarto ay nagpaalam muna silang aayusin ang gamit. Inayos ko lang ng mabilisan dahil mamaya ay siguradong dito na naman ang meeting place nila.
Maganda dito. May terrace, kita mo din ang buong city sa likod namin. Ang Mayall.
Pagpunta ko sa kusina ay kumpleto ang gamit. May ilang kawali na pwedeng gamitin sa pagluluto, may ilan ding plato, kutsara at tinidor. May refrigerator at oven toaster. May waffle maker pa.
Pansin ko rin na doble ang laki nito kaysa sa nakasanayan kong bahay. May shower area pa at bathtub.
Sa may sala naman ay maliit lang kung tutuusin pero okay dahil malaki ang TV. Sa bandang bedroom ay nand'un ang aircon, ilang furnitures tulad ng table closet at dalawang beds.
"Naya! Ano 'yung kwartong nakuha mo?" Sigaw mula sa labas.
"Hm? Okay lang naman!"
"Wow!" Gilalas ni Haree pagpasok. "Ang ganda ng wallpaper. Dalawa 'yung bed?" Turo niya sa magkabilang gilid nito.
"Gagi, may bathtub si Naya."
"Dalhin mo nga sa kwarto mo, Roy. Ayaw ko niyan."
"Bakit?"
"'Yung boyfriend ko 'yung matutuwa kapag makita niya 'yan, hindi ako. Kaya itago mo." Sabay-sabay silang napangisi.
Hindi naman ako baliw pero naiisip ko talaga itsura niya kapag makita niya ang mga bagay na 'yan.
"May ref!" Sigaw ni Isabell'i.
"Me'ron ka din kaya." Sagot sa kanya ni Haree na nagtatampo sa nakuhang susi. "Dapat pala medyo ginilid ko kamay ko para malapit ako."
"Kakaiba lahat naman ng kwarto yata. Hindi pare-pareho." Page-engganyo ko para sumigla siya. "Ano 'yung sa 'yo?"
Si Isabell'i ang sumagot. "Sa 'kin may terrace din kasi tabi lang tayo."
![](https://img.wattpad.com/cover/248135850-288-k804799.jpg)
BINABASA MO ANG
Onto Another You: Next Dimension (Side of the Universe #2)
Novela JuvenilOne of the most painful words there could be is "parallel." Those lines never met. But both of them did... Hindi kailanman naghirap sa pagmamahal si Naya Contregiao kahit na kapos kadalasan sa pang-araw-araw. Nananatiling bukas ang kanyang isipan sa...