Kahit bakasyon kaming 4th Year ay may practice kami sa soccer team. Ang mga 2nd Year College at 3rd Year High School lang ang may summer classes. Simula ngayong araw ay magc-commute ulit ako dahil aalis na sila.
"Kami na po bahala dito, Tita. Ingat po kayo." Ngumiti ako sa kanya sa paniniguro.
Napakababait ng mga kasambahay nila, sa sobrang bait ay ayaw pagpaliguin ang mga kapatid ko mag-isa. Malinis din sila sa gamit kaya hindi naman namin naiistorbo.
"Huwag kang mahiya kapag may kailangan kayo." Tinapik-tapik niya ang aking balikat, nagpapaalala. "Hangga't hindi pa kayo nakakakita ng lilipatan, welcome na welcome kayo ditong tumira."
"Okay lang po, salamat. May practice din po ako. Baka po ma-late kayo sa flight ninyo." Hindi ko maiwasang magtaka kung ilang oras ang iginugugol nila papuntang Dubai.
Sa susunod ay pupunta din ako doon, sa oras na makatapos ako at magkaroon ng totoong trabaho. Isasama ko ang mga kapatid ko.
"Bye, Naya. Huwag ka nang iiyak, ah?" Pagpapaalam ni Jing at kumaway.
"Oo, ingat ka. Uwian mo ako ng chocolate." Paalala ko.
Napanguso ako nang makitang sabay-sabay silang sumakay sa van.
Kami na lang ng mga kapatid ko maiiwan at mga kasambahay nila, ngunit, kampante ako sa kaligtasan namin.
Sa aming magk-kaklase, si Isabell'i lang ang nasabihan ko tungkol sa nangyari sa aming dalawa. Ngunit, parang nitong mga nakaraang araw ay nagtataka na silang lahat.
Hindi lang ako ang may alam, pati siya. Pansin niya daw ang pagbabago ng pakikitungo sa akin ni Mave, parang hindi siya.
"Move-on ka na." Paalala niya sa akin. "Naka-higit isang buwan na pero, malungkot ka pa rin."
Ayaw ko. Ang pagm-move-on ay para lang sa mga taong gustong kumalimot at umiwas na sa pagmamahal ulit.
"Gan'un talaga, kailangan ko lang sabayan itong nararamdaman ko para hindi ako masaktan lalo." Pagtaas at baba ng tingin ko sa sapatos na suot.
Pumunta siya dito kahit hindi naman member ng varsity, gusto niyang masigurong hindi daw ako iiyak.
Siguro hindi para sa aking ang salitang move-on, ipinagpapahinga ko lang ang sarili ko at pilit na kumukuha ng lakas.
Kahit hindi kami magkasama, patuloy ko pa rin siyang minamahal. Gusto kong gawin ang nasimulan ko na, hindi ko na maaaring tigilan.
Tulad nga ng sabi ko sa kanya, ako na lang ang naiwang nagmamahal. Ngunit, wala akong sinabing napapagod ako.
"Ano ba iyan?" May punto ang tono niya, dismayado. "Ikaw nga nagpayo sa akin tungkol sa amin ni Gale pero, ngayon ay ikaw pa itong broken."
Bahagya akong natawa sa tinuran niya. "Buti nga't okay na kayo ngayon." Pag-iwas ko.
"Oo nga, akala ko hindi kami magtatagal."
"Saan mo ba siya nakilala?"
"Kaklase ko n'ung Grade 8. Tapos nakausap ko lang siya sa internet n'ung bakasyon na."
Hm. Ngayon lang ako nakarinig ng internet love na nagtagal.
Rinig ko ang pagpito ng coach namin, hudyat ng pagtatapos sa halftime.
Mabilis na pinunasan ko ang pawis matapos ang practice. Hindi pa rin ako makapaniwala na lalaban kami sa Manila sa mga susunod para i-represent ang school namin.
"Kain, Naya..." Inabot sa akin ni Isabell'i ang isang sandwich.
"Salamat." Hindi pa ako nag-almusal kaninang umaga dahil maaga nga ang practice. "Nag-abala ka pang bumili nito."
BINABASA MO ANG
Onto Another You: Next Dimension (Side of the Universe #2)
RomanceOne of the most painful words there could be is "parallel." Those lines never met. But both of them did... Hindi kailanman naghirap sa pagmamahal si Naya Contregiao kahit na kapos kadalasan sa pang-araw-araw. Nananatiling bukas ang kanyang isipan sa...
