"Naya! Gising ka na. Nag-text iyong mga kaibigan mo..." Pagbungad ni Lennybel sa hospital na tinutuluyan ko.
"Bakit b-bukas Facebook ko diyan?"
"Sabi kasi..." Napakamot siya ng ulo at inayos ang mahabang buhok. "Kaya mo na bang umup-- oh!"
Si Mave huli kong kasama. Malamang ay siya din ang nagdala sa 'kin dito. Sigurado ako.
"Siya 'yung nagdala sa 'yo," pahabol ni Lenny bago ko basahin ang message.
Mave Christopher Perisiaño :
Hi. Please rest well. In-excuse kita sa mga teacher mo for 21 days.
"Ang tagal." Reklamo ko sa sarili.
Sana pala kung sumama ako kina Isabell'i. 7 days lang kung nagkataon. Mabilis na nagtipa ako ng sagot nang makitang online siya.
Naya Contregiao :
Mave naman! 1 day nga ng pag-absent o kahit excuse hindi ko kaya, 21 pa?
Mave Christopher Perisiaño :
Hahah. You need to rest and I need to settle those things. Sisiguraduhin kong pagbalik mo, hindi ka nila pag-uusapan.
Mave Christopher Perisiaño :
I'm already done with your assessments and tasks. Kung gusto mo ako sasagot ng lahat...
Naya Contregiao :
Ako na! Sapakin kita.
Mave Christopher Perisiaño :
Okay, okay. Haha. Ba't ka gagalet?
Naya Contregiao :
21 days na nga, ako na sasagot.
Mave Christopher Perisiaño :
Okay! Hahah. Ipapadala ko na lang 'yung mga assessments mo kay Ryl. Tsk.
"Sungit," puna ni Lennybel bago nagpaalam na uuwi muna. Dadalhin dito ang mga kapatid ko.
Naya Contregiao :
Sige, si Ryl? Hala. Salamat.
Mave Christopher Perisiaño :
Oo nga. Paulit-ulit? Magpahinga ka na. Iu-update na lang kita.
Naya Contregiao
Thank you. <33
Wala siyang reply. Ni-like niya lang iyong huling message ko, kalaunan ay naging heart.
"Ate!" Sigaw ni Aien pero natigil kaagad nang makitang naka-hospital dress ako.
"Hala, Ate may nakabalot na white sa ulo mo!" Sigaw naman ni Levi at itinuro pa ang ulo niya.
"Anong nangyari?"
"Hinampas ako ng bote ng coke." Mahinang natawa ako sa reaksyon nila.
Si Aien ay napangiwi at si Levi ay nagmatapang. Pinalagatok pa ang mga daliri. "Sino 'yun?! Sapakin natin!"
"Ikaw na lang. 'Wag mo akong isama, masakit ulo ko." Lumapit si Aien na nalilito kung saan uupo.
"Pwede maupo dito?" Turo niya sa kama.
"Bawal." Sagot ni Lennybel. "Sige. Pero sa dulo ka lang, lagot ka kay Doc."
Nakayuko siyang umupo ng dahan-dahan sa dulo. At ang Kuya Levi niya ay barumbadong tumalon pa kaya nabatukan ng babae.
Maya-maya ay natutulog na ang bunso sa pagkakasandal sa dulo ng bed rack. Ang Kuya naman ay dinadaldal siya kaya hindi makatulog.
Malaki na ang pasasalamat ko kay Mave sa pagtulong at sa pag-ayos ng mga assessments ko. Alam naman niya siguro sa sarili na hindi ako mabubuhay kapag wala iyon.
BINABASA MO ANG
Onto Another You: Next Dimension (Side of the Universe #2)
RomantikOne of the most painful words there could be is "parallel." Those lines never met. But both of them did... Hindi kailanman naghirap sa pagmamahal si Naya Contregiao kahit na kapos kadalasan sa pang-araw-araw. Nananatiling bukas ang kanyang isipan sa...
