"Congratulations, 4th Year High School!" Bati ng Principal. "Inaasahan kong ipagpapatuloy ninyo ang kasipagan at mabuting gawain para sa mga susunod na panahon. Maligayang pagtatapos at maraming salamat."
Nagpalakpakan kaming mga estudyante sa pagtatapos niya ng speech. Hindi ko maiwasang mapangiti sa naabot kong bagong achievement.
Nakatapos ako, Ma. Itutuloy ko na ito papuntang college.
Inayos ko ang pagkakatayo at ang toga ko. Kulay pula ang tali sa baywang ko, para sa aming strand. Nakatali naman ang parang paha sa leeg ng mga lalaki.
Ang bawat section dito ay iba-iba ng strand. Kulay asul para sa ABM. Purple sa kinuha ni Mave. Dilaw sa GAS, at berde sa iba pang sumunod.
Simpleng bumaling sa akin si Ryl, nagpa-pogi.
"First time kong mauna sa 'yo." Aniya.
"Masyado mo kasing ginalingan," kunwaring singhal ko. "Kaya naunahan mo ako."
Napakamot siya sa ulo. "Tinatamaran ko na nga. Tingnan mo, na-istorbo ko pa yata si Mama."
Binaling ko ang Mama niya na nasa stage at nakatayo na. Nag-aabang para sa kanya, masasabitan siya ng medal.
"Mukha namang proud na proud 'yong Mama mo."
"Sa sobrang proud niya sa akin, ako paghuhugasin mamaya ng pinggan." Napangiwi siya.
Hindi ko maiwasang matuwa sa itsura niya. "Buti ka pa nga may nakapuntang magulang. Ako wala, aabangan ko na lang kung sinong magsasabit sa akin."
Maya-maya pa kaming nag-usap at nagtawanan nang bigla siyang matigil. Mabilis siyang tumalikod sa akin.
"Bakit?" Lingon ko sa harap niya. "May problema ba?"
Iling lang ang sagot na nakuha ko. "Papatayin ako ni Mave..." Mahinang ani Ryl.
Pilit na hinanap ko sa nakaupong crowd ang tinutukoy niya. Makita ko siya sa second row, nakayuko at masama ang tingin sa lupa.
Kaya pala bigla siyang tumahimik. Nang muli akong mabaling sa kaniya ay bahagya pa akong napatalon sa gulat, nakatingin siya sa akin. Ngumiti ako nang makitang ayos na ayos ang cap niya. Hindi ako pinansin at iniwas na lamang ang tingin.
Kita ko ang pagsara ng ilaw, ang led screen ay ipinakita ang ilang litrato ni Ryl. "Mukha kang model d'un..." Bulong ko nang makita isa-isa. Napayuko naman siya na tila nahihiya.
"Sa dinami-dami ng pictures ko na kukunin, 'yun pa talagang baby pictures ko." Nakangiwing sagot niya. "Ang jeje ko pa n'un."
Natawa na lang ako. Isang malaking salita ang bungad sa itaas na bahagi.
"Valedictorian." Basa ko. "Congratulations, Ryl. Akyat ka na."
Wala silang kinuhang magiging host para i-announce ang mga mangyayari. Kusa lamang iyong dumadaloy, wala sa plano.
"Ang gwapo niya talaga."
"Ryl, mine."
"Lulunukin po!"
"Ang taas ng average niya!"
"Siya pala valedictorian."
"Ito na, bubuka na."
Iyon ang mga naririnig ko. Naghahagikhikan, nagtitilian, at sumigaw. Iba talaga presensya nito, paakyat pa lang ay nagsisipalakpakan na.
Ibang-iba sa mga kaklase ko.
"Go, Ryl. Putangina mo!"
"Libre mamaya!"
"Tangina, galingan mo."
BINABASA MO ANG
Onto Another You: Next Dimension (Side of the Universe #2)
RomanceOne of the most painful words there could be is "parallel." Those lines never met. But both of them did... Hindi kailanman naghirap sa pagmamahal si Naya Contregiao kahit na kapos kadalasan sa pang-araw-araw. Nananatiling bukas ang kanyang isipan sa...
