"Sige na, Naya. May pasok ka pa bukas," wala sa sariling napakunot ako ng noo sa sinabi ni Mama.
"Hindi, Ma. Dito lang ako." Ang tigas din naman kasi ng ulo. "Wala kang kasama."
Sa dorm ko na patutulugin sina Aien at Kuya niya. Gagawan ko na lang ng paraan, itatanong ko kay Mave. Pero, sa ngayon ay hindi pa ako pwedeng umalis dahil baka si Mama naman ang tumakas dito.
Ang sabi ng doktor ay dahil daw sa anemia ni Mama. May ganoon talagang instances, manghihina ka at pwede kang mahimatay dahil sa kakulangan ng red blood cells sa katawan. Diabetic pa siya.
Sa kaso ni Mama, madalas pa siyang magpuyat sa kaiisip at sa umaga naman hanggang hapon ay napapagod siya. Hindi ito marunong magpahinga, kaya ayan siya ngayon.
"Sa dorm ko na po patutulugin sina Aien. Ihahatid ko bukas sa school." Pagpapaalam ko.
"Buti kung papasukin sila ng guard, hindi ko kayo matutulungan doon." Nanghihina pa rin ang katawan niya.
"Kay Mave po ako magpapatulong. Baka sakali," makadaan kami sa likod.
"Nasaan ba nobyo mo?"
"Nasa labas po siya." Ngumuso ako nang makitang hindi pa siya bumabalik.
Baka naman nainip na siya kaya naglakad-lakad muna o gumala. Ang sabi niya ay babalikan niya ako dito kapag nakaalis na ang doktor. Malamang ay nasa labas siya mismo ng ospital kaya hindi niya kita.
Ilang oras ang makalipas nang dumating na ang nurse. Hindi pwedeng tatlo talaga kami dito nila Aien.
"Bantayan mo na lang ang mga kapatid mo." Utos ni Mama. "Ako na bahala dito, doon na kayo matulog."
"Walang magbabantay sa 'yo dito, Ma."
"Hay, nako, kaya ko na! Nawala na hilo ko." Palusot niya. Nang samaan ako ng tingin ay napanguso na lang ako. "Sige na, tatawagin ko na lang siya kapag may kailangan ako."
Itinuro niya ang nurse na babae sa tabi niya, may inaayos na gamot. Ngumiti siya sa akin bilang paninigurado.
"Bye, Mama."
"Ba-bye..."
"Sige po, ako na bahala dito. Uh, Miss..." Paglingon ko sa nurse. "Kapag po may emergency, tawagan niyo lang po ito." Ibinigay ko ang number ng telephone ko sa dorm.
"Ayos pang, Ma'am."
"Salamat po."
Kitang-kita ko ang muling pangungusap ng mata ni Mave nang makatingin sa akin.
"You're h-here," pinagmasdan niya ang mga kapatid ko na nakayakap sa akin.
"Hm, sa dorm ko sila patutulugin muna." Pagtatapat ko.
Sandali na nag-proseso sa utak niya iyon bago marahang tumango. "Okay, I'll help you."
Naunang tumalikod si Mave at naglakad kaya mabilis hinabol ni Aien. Yumakap siya sa likod niya habang sumusunod.
Napalingon ang nobyo ko at ngumiti. "Hello..."
"Hello po, maganda po ba doon?"
Umurap ako. Mas nauna pa siyang kausapin ng kapatid ko.
"Hm, tingnan mo mamaya." Aniya. Ginulo niya pa ang buhok ni Aien para magkaparehas sila.
Sa passengers seat kami ni Levi naupo. Kanina pa tingin ng tingin si Mave sa rear-view mirror na para bang mawawala na lang ako bigla.
Ngiting-ngiti si Aien nang makatabi sa kanya, ginagalaw pa ang mga mini stuff toy sa harap ng kotse.
"Gusto mo 'yan?" Tanong ni Mave sa kanya habang nagmamaneho.
![](https://img.wattpad.com/cover/248135850-288-k804799.jpg)
BINABASA MO ANG
Onto Another You: Next Dimension (Side of the Universe #2)
Novela JuvenilOne of the most painful words there could be is "parallel." Those lines never met. But both of them did... Hindi kailanman naghirap sa pagmamahal si Naya Contregiao kahit na kapos kadalasan sa pang-araw-araw. Nananatiling bukas ang kanyang isipan sa...