"So, Ms. Contregiao. What was your reason?" Seryosong tanong ng isang official sa Guidance Office.
"I'm sorry, Ma'am. Wala pong magbabantay sa kapatid ko." Napayuko ako at napatikhom.
"I see," saglit siyang tumango at binasa ang papel ko. "Okay, wala ka nang parents? At may dalawa kang kapatid?"
"Opo." Sandali akong napalunok. "Iyan po ang dahilan kung bakit napag-desisyunan kong umalis na ng dorm."
"Hm, it's okay." Tila ba umamo ang kaniyang pananalita. "Okay na, sigurado ka bang may matitirahan ka?"
"Opo, Ma'am. Sa Tita ko po."
"Ah. So, kung gusto mo lang bumalik ulit dito, feel free. Pero, kailangan ng tatak sa Principal's, okay?" Ngumiti ako at tumango bilang tugon.
Dali-dali akong umalis ng office at nagtungo sa bahay. Babalik din ako kaagad sa dorm oras na magbukas iyon.
Nilinis ko ang buong kwarto ko para kung sakaling may papalit sa akin dito ay maayos na. Ang mga kagamitan ay ibinalik ko sa dating kinalalagyan, nabago ko dati dahil masikip masyado.
Ang mga telang gamit sa kama, lamesa, sofa at kurtina ay nilabahan ko na kahapon. Tinulungan pa ako noong mga kasambahay ni Tita na gumamit ng washing machine para doon.
Inayos ko ang white off-shoulder knit top na suot dahil maikli iyon, parang crop top. Dinukot ko mula sa bulsa ng pantalon na suot ang emergency phone na ipinahiram ng Academia sa 'kin, inilagay ko iyon sa tapat ng vase.
Sa gitna ng pag-iimpake ko ay narakinig ako ng isang katok. Base sa dikta ng isip at tunog ng puso ko, kilala ko kung sino iyon.
"Pasok." Ipinagpatuloy ko ang pag-aayos.
Pansin ko ang presensya niya mula sa likod. Dahan-dahan siyang naglakad patungo sa upuan, doon niya ako pinagmasdan.
Napabuntong-hininga ako nang matapos. Napapagod na ako dito sa pag-ayos ng lahat pero, kailangan ko nang umalis. Hinila ko ang isang malaking maletang dala, magpapaalam na lang muna ako sa kanya.
Habang papalapit ay hindi ko maiwasang masaktan pa rin, makita ko pa lang ang kaniyang mukha. Nakayuko siya at pinaglalaruan ang mga daliri.
Saktong huminto ako sa tapat niya, hindi siya tumingala. Nananatiling ganoon ang posisyon, marahil ay ayaw akong makita ngunit, gusto niyang makapagpaalam ako nang maayos.
Nakangiti kong tinanggal ang kwintas na suot. Ipinangako ko sa sarili na hinding-hindi ko ito tatangalin hangga't hindi nababasa ang mga salitang nakasulat dito, tanda ng pagmamahal niya.
Marahan kong kinuha ang isa sa kamay na pinaglalaruan niya, hindi siya lumaban at hinayaan na lang. Dama ko ang malamig na pakiramdam nito, kasabay ng panghihina.
Inilapag ko sa kamay niya ang kwintas ngunit, hindi pa man din naisasara ay pilit niya nang ibinabalik. Ayaw tanggapin.
"Ibinabalik ko na sa 'yo, Mave..." Pilit kong inabot ngunit, mabilis siyang umiling. Nakayuko pa rin.
Napabuntong-hininga na lang ako. Hindi ko inaasahan na hindi niya tatanggapin ito.
"Aalis na ako." Paalam ko. "Inayos ko iyong mga gamit, nilabahan ko na rin ang mga telang nakita ko."
"Baka sakaling may pumalit na sa akin, naayos ko na ang lahat." Pinapalagay ko lang ang loob mo.
Agad na nanlumo ang katawan ko nang makita ang pagpatak ng tubig ng sakit mula sa kaniyang mata. Hindi ako nadalawang-isip na lumapit at punasan iyon.
"Ito na ang huling beses na ako ang magpupunas ng luha mo. Dahil sa oras na makalimutan mo ako, iba na ang aalalay sa 'yo..."
"Kailangan kong umalis, para sa m-mga kapatid ko." Hindi ko inaasahan na mababasag ang boses ko.
BINABASA MO ANG
Onto Another You: Next Dimension (Side of the Universe #2)
Подростковая литератураOne of the most painful words there could be is "parallel." Those lines never met. But both of them did... Hindi kailanman naghirap sa pagmamahal si Naya Contregiao kahit na kapos kadalasan sa pang-araw-araw. Nananatiling bukas ang kanyang isipan sa...