Chapter 45 : Fight

36 7 0
                                    

Naya,

Hindi ko nagawang makapagpaalam sa inyo. Pasensya na, pagod na si Mama. Ayaw ko kayong makitang umiiyak at malungkot nang dahil sa akin.

Alagaan mong mabuti sina Aien at Levi. Huwag mong hayaang magpagod kakalinis ng bahay, dapat ay mas mahaba pa rin ang oras ng pag-aaral nila at laro. Tulungan mo sila sa mga gawain sa school dahil wala nang instant teacher diyan.

Magpakatatag ka, Naya. Para kay Mave, para sa inyong dalawa. Mahalin mo siya ng buo at hindi sobra. Sabay dapat kayong nagmamahal at lumalaban. Sabay kayong magtapos ng pag-aaral.

Nangako ka sa akin na hindi ka muna mag-aasawa ng maaga, sabi mo ay magtatapos muna ng pag-aaral ang mga kapatid mo. Inaasahan ko iyan, anak. Gawin mo.

Nagsabi na din sa akin si Mave bago pa man ito. May mga bagay kaming pinag-usapan ngunit, isa lang ang tumatak sa isipan ko.

Mahal na mahal ka niya, Naya.

Kahit anong mangyari sa relasyon niyo, pagsubok lang iyan ng panahon at pamilya. Hindi niyo dapat patagalin ang isang problema dahil mas mahalaga na magkasama kayong dalawa.

Huling bagay na lang sana. Gawin mo, hindi para sa akin kundi para sa sarili mo.

Lumaban ka, anak. Gusto kong lumaban ka sa kanila. Lumaban ka sa mga nananakit sa 'yo. Huwag kang magsisikreto sa akin dahil alam ko lahat ng galaw nila.

Tinatapakan na nila ang pagkatao mo, Naya. Oras naman ngayon para lumaban ka na. Ilabas mo ang tapang mo, ilabas mo ang demonyong nagtatago sa katawan mo kapag sumobra na sila. Ngunit, limitahan mo ang sarili mo.

Alam kong hindi ka lumalaban sa pambubully nila dahil takot kang matanggal ang scholarship mo. Pero, maniwala ka, Naya. Hinding-hindi mangyayari iyon. Hinding-hindi matatanggal ang scholarship mo dahil lang ipinagtanggol mo ang sarili mo mula sa kanila.

Lumaban ka, anak. Mahal na mahal kita. Kayo, ng mga kapatid mo. Isipin mo na lang na nangyari ito para matapos na ang hirap ko.

Ayaw kong umiyak ako. Ayaw kong iniiyakan ako, 'wag niyong gawin. Gusto kong makita na masaya kayo, kahit na wala ako.

Salamat ng marami. Ipagpaalam mo na lang ako kina Aien at Levi... Magpakabait, ha? I love you.

- Mama Nette

"Aien..." Mahinang tawag ko sa kanya.

Kitang-kita pa ang pamumuo ng luha nang makalabas siya sa banyo. Minabuti kong paupuin siya sa hita ko.

"Ba-bye daw sabi ni Mama..." Bulong ko at ipinkita ang sulat.

Nanlaki ang mga mata niya at pinunasan. "Talaga po?"

"Hm, sabi niya ba-bye daw. Pakabait kayo ni Kuya." Inayos ko ang buhok niya. Agad na ngumiti siya sa balita. "Ako na mag-aalaga sa inyo ngayon."

"Opo," bahagya siyang humagikhik.

"Si Kuya mo? Nasaan?"

Simpleng itinuro niya ang kwarto. "Sa loob po. Nakatakip ng unan mukha. Umiiyak yata, Ate." Bulong niya sa huli.

Napabuntong-hininga ako. Agad na kumapit siya sa braso ko nang makatayo.

"Hoy, Levi! Tumayo ka nga diyan. Ang pangit mo, h'wag kang umiyak." Mabilis na pagpapalagay ko.

"Kasi si Mama..." Hindi niya pa rin tinatanggal ang unan sa mukha.

Onto Another You: Next Dimension (Side of the Universe #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon