Chapter 10 : Other

60 7 1
                                        

"Alam mo kasi hindi naman masamang magsabi ng totoo, Naya."

"Hindi nga talaga, promise." Alam ko 'yan sa sarili ko.

Wala akong gusto sa kanya.

"Paano kami maniniwala?"

"Lahat na lang ba talaga ng nakikita at napapansin niyo may malisya?" Pabalik kong tanong sa kanilang dalawa.

"Oo nga, babe..." Pagtatama ni Fred sa nobyang si Aicko.

Parehas ko silang kaklase dati, ngayon nakasalubong ko na. Hindi ko sana gusto dahil nahihiya ako kaso sila na ang um-approach sa 'kin.

"Pero," tinaasan ako ng kilay ni Fred. "Nakita ko na kasing ganiyan si Mave."

"True!"  Pag-sang-ayon ni Aicko sa kasintahan.

"Kalat na sa section namin tsaka sa section nila," natahimik ako.

Ang babaw naman nila. Ganoon lang?

"Ang sabi ay ginawa ka daw alalay," sasagot na sana ako nang unahan niya akong muli. "I pity you, Naya. Alam kong hindi mo sinasadya, sana ay napalakas na lang 'yung tama ng bola para sulit pagp-P.A. mo." Umiling-iling si Fred sa panghihinayang.

"Nakita namin kung paano niya tratuhin si Florein kahit nanliligaw pa lang siy--"

"Sorry sa i-interruption pero hindi totoo ang iniisip niyo." Pagpipigil ko sa kanila sa sasabihin.

"Oh? Okay. I'm sorry."

"Sige, ayos lang 'yan."

"Salamat sa pag-intindi," ngumiti ako. Nang makitang mayroong upuan dito sa gilid ng field ay kaagad akong nagpaalam.

"Uh, dito muna ako. Mamaya pa kasi iyong klase ko..." Nagkatinginan sila bago tumango ng sabay.

"Sige, see you when... we see you!" Nag-I got you sign sa akin si Fred bago hinila ang nobya.

"Bye, Naya! Huwag mo kaming i-snob, ah?" Natawa ako sa pagpapaalam ni Aicko.

Ang tagal na nila. Simula first year pa lang ay nagawa nilang itago ang relasyon sa mga striktong magulang. Walang nalaman ng kahit ano, ngayong fourth year na, mas lalong tumibay ang hawak nila sa isa't isa. Nalaman na lang ng magulang ni Aicko kaya kumalat.

Nagpakatatag sila sa relasyon, si Fred ay pinanindigan ang pagmamahal niya sa nobya. Noong pumunta siya sa bahay ni Aicko ay lakas-loob niyang kinausap ang mga magulang nito. Ilang linggo pa ang pinag-isipan bago pumayag ang mga ito.

Inayos ko ang upo nang maramdaman ang marahang kamay na humahaplos sa buhok ko.

Hindi ko napigilang ngumuso dahil ayaw tumigil niyon. Dahan-dahan akong tumingala at ganoon na lang ang gulat ko nang may mapagtanto.

"Hello," nakangiting bati ni Ryl mula sa likod.

Kalma...

"Hi, Naya..." Pauulit niya at umupo sa tabi ko.

"Hi." Inayos ko ang sarili ko.

Tumingin ka, Naya. Tumingin ka ng diretso kahit alam kong duwag ka.

"Why are you here?" Doon ako naglakas-loob na tumitig sa mga mata niya.

"Ah, nagpaiwan ako dito kasi masyado pang maaga para sa first class."

"Oh? I see," tumango siya at ngumiti dahilan upang manghina ako lalo. "Hindi ba, sina Aicko and Fred 'yun?"

"Oo, classmates ko dati," diretsong sagot ko para hindi nakakailang.

Noong hindi niya ako pinapansin, gusto ko siyang makausap. Ngayon namang kinakausap na ako, hindi ako makapag-isip ng maayos.

Onto Another You: Next Dimension (Side of the Universe #2)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon