Chapter 6 : Smile

48 7 0
                                    

"Hi, Naya."

"Hello." Napaiwas ako ng tingin nang ngumiti siya.

Nakakapanghina naman ito. Pero magandang bungad sa umaga.

"Kumain ka na?" Tanong niya pa at humalakhak.

Pa-fall. Ba't naman ganiyan ka?

"Ah, oo. Kanina pa." Ngumiti na lang ako pabalik dahil hindi ko alam kung anong gagawin.

Nakakapanghina talaga 'yung ngiti niya. Parang anghel na nahulog sa langit, lalo siyang guma-gwapo at nawawala ang tapang sa mukha niya.

May dimples si Ryl sa magkabilang bahagi ng mukha. Bagay na bagay sa kanya iyon noon pa man. Kung tumawa rin siya ay parang magr-reflect sa iyo, mabilis niyang ma-attach sa isang tao.

"Aw, sayang..." Ngumuso siya kaya napanguso din ako.

"Bakit?"

"Wala," umiling-iling siya at tumawa. "Mamayang lunch, pwedeng sabay tayo? Don't worry, it's my treat." Pumungay ang kaniyang mga mata nang titigan ako.

Ilang sandali akong nag-isip. Gusto ko sana dahil ayaw kong tanggihan kapag sa 'yo, pero baka kasi ako na naman ang masama kapag narinig nila iyon at nakita.

Matagal na akong nag-iingat. Napapahamak pa rin ako.

"Uh, kasi..." Napapikit ako. "M-may practice pa kami mamaya sa Soccer, kasama ko sina Kate at Haree."

Sorry.

"Oh?" Napaawang ang labi niya bago ngumiti at tumango muli. "Okay."

"Next time na lang siguro..." Kapag hindi na sila ma-issue.

"Sabihin mo kung kailan ka available, ah?" Mabilis akong tumango para hindi siya malungkot. Sa ekspresyon niya pa lang ay kita na ang pagka-tamlay.

Nagpabuntong hininga na lamang ako bago sumunod sa kanya na maupo sa bench. Kasama ko siya ngayon dahil masyado pa naman daw maaga ang oras ng pagpasok ko.

"Naya..." Mahinahong sambit niya na mabilis na nagpatibok sa puso ko.

"Sabihin mo nga sa akin, I want to hear the truth." Napatingin ako nang sumeryoso siya bigla.

"Sinaktan ka ba ni Mave?"

Napaawang ang labi ko nang marinig ang katanungang iyon. Hindi ako makapaniwala sa kanya.

"Hindi."

"Good."

"B-bakit?" Ulit ko kung sakaling hindi niya naintindihan.

"Akala ko matatatakan ka rin," lalong gumulo ang usapan namin.

"Ano ba 'yung tatak na sinasabi niyo?"

"Kapag lumabag ka sa batas ng paaralan, hindi ba? Dalawang tatak ay equivalent sa drop out, apat sa expulsion," simpleng paliwanag niya at nagbilang sa kamay.

"Mabait naman 'yan si Mave Christopher," bungad ni Ryl. "He's my friend."

Bakit ba sila nagk-kwento? Hindi naman ako interesado sa kanya, ilang beses ko ba dapat sabihin?

Hindi ko nga siya kilala. At mas lalong nakapagtataka iyong ipinupunto ng isip ko kung bakit ngayon ko lang siya nakita sa ilang taon na pag-aaral ko dito.

"Oh, fvck," nanlaki ang mata ko nang mapamura siya, kitako ang paglunok. "He's here."

Kinakabahan man ngunit mas pinili kong sundan ang paningin niya. Natigil iyon sa isang pwesto, kabilang bahagi hindi kalayuan sa kinauupuan namin.

Onto Another You: Next Dimension (Side of the Universe #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon