Noong nagdaang Valentine's Day ay wala naman kaming masyadong ginawa. Hindi naman na dapat iyon i-celebrate pero, pinipilit kami ng nakapalibot sa amin. Nagbigay lang si Mave ng sunflower na katulad ng dati, kasama ang hindi inaasahang regalo.
"Aso?" Nanlaki ang mata ko sa makitang hawak.
Galing ang aso sa likod niya. Ang kanang kamay ay may hawak na bulaklak na kalalahad lang sa akin at ang kaliwa ay bitbit ang isang asong maliit.
Isang kulay brown na poodle. May pink na ribbon sa ulo nito.
"Gagi, seryoso ka diyan?" Tanong ko at agad na kinuha sa kanya.
"Kahit naman hindi ako sigurado, kukunin mo." Pagpapalagay niya at umupo sa tabi ko.
"Ang cute mo." Bulong ko sa aso at nilapit ang mukha sa kanya.
"Tsk. Hinay-hinay." Hindi ko lang pinansin ang sinabi niya.
"What's your name, huh?" Niliitan ko ang boses ko habang kinakausap siya.
"Walang pangalan 'yan."
"Alam ko na." Itinapat ko siya kay Mave. "Mavie o Christopher?"
"Yawa." Marahas niya akong sinabunutan kaya halos mapaiyak-tawa ako. "Babae 'yan."
"Ang cute mo." Para na akong tanga ditong paulit-ulit. "Ilang taon ka na? Pa-kiss si Ate."
Ngumuso ako ng bahagya, hindi pa nakakagalaw may humarang na palad sa labi ko.
"Kadiri ka." Puna niya.
"Wala naman siyang rabies, hindi ba?"
"Wala."
"Oh, e 'di pwede na." Pinitik niya ang noo ko gamit ang likod ng kamay. "Tsk, ikaw nga may rabies naka-ilan ka na n'ung New Year!"
Matagal din 'yun, ah?
Nakangiwi siyang itinuro ang sarili. "Ako? May rabies? Huh! Ginusto mo naman?"
"Wala akong s-sinabi!" Depensa ko at tsaka muling bumaling sa aso.
Pero...
"Alam ko na ipapangalan sa 'yo." Ngumisi ako. "Bronwyn!"
"Bronwyn? What the fvck?" Agad kong binatukan siya.
"Sini-singhal-an mo ako?!"
"Hindi naman-- ang ganda ng pangalan. Dapat lang diyan Browny e."
"Ang common naman kasi! Tsaka babae siya, sabi mo. Hello?"
"E 'di, Ming."
Sinamaan ko siya ng tingin.
"Ming ming...." Bigla siyang natawa. "O kaya Han."
"Babae ang sabi mo." Paglilinaw ko. "Han ka diyan. Gusto mong mapalyahan?"
"Kasi naman... pwede mo namang ireserba na lang 'yung pangalang 'yun para sa magiging anak natin."
"Hindi ako magpapa-anak sa 'yo." Inirapan ko siya.
Nang makita ang mukha ng aso ay agad napawi ang inis ko. Matapos niyon ay dinala ko na lang muna sa bahay dahil bawal sa dorm. Nagulat pa nga sila dahil akala ay nangangagat.
Dahan-dahang inilapit ni Aien ang hintuturo sa pisngi ng aso. Hindi pa siya naliligo kaya bagong gising pa lang sa hapon, napaka-inosente ng batang ito.
Agad niyang iniwas ang kamay nang lumingon sa kanya.
"Ngumiti siya!" Gilalas niya at tumawa.
"Hindi siya nangangagat?" Bulong nitong isa. "Ate, baka magalit siya sa 'kin."
BINABASA MO ANG
Onto Another You: Next Dimension (Side of the Universe #2)
RomanceOne of the most painful words there could be is "parallel." Those lines never met. But both of them did... Hindi kailanman naghirap sa pagmamahal si Naya Contregiao kahit na kapos kadalasan sa pang-araw-araw. Nananatiling bukas ang kanyang isipan sa...
