Chapter 11 : Trip

45 7 0
                                    

Nalalaro ang dalawa sa bahay nang madatnan ko pag-uwi. Nagtatawanan ngunit gutom na 'yan.

"Ate, may pagkain ka dala?"

"'Ala," nahiga kaagad ako sa papag at tumitig sa kisame. "Hintayin na lang natin si Nanay."

"Si Lennybel?" Tanong ko kay Levi na nahiga sa tiyan ko banda.

"Bumalik daw muna siya. Kasi nipapaghugas siya ni Papa niya ng pinggan," pagdadaldal niya pa.

Pinagsalikop niya ang mga kamay at nag-inat habang sarap na sarap na nakahiga sa akin.

"Mas marunong pa 'ko hugas d'un, eh." Nakangiwing puna ni Aien at biglang dinaganan ang Kuya.

Halos mamilipit ako sa kiliti ng ulo ni Levi sa tyan ko. Ngayon parehas na silang nakahiga sa akin.

"Sige nga, hugas ka nga!" Paghahamon ko sa kakayahan niya.

"Wala pa." Itinuro niya ang lababo hindi kalayuan. Ni-isang plato ay wala akong nakitang nakatambak doon.

"Ako maghuhugas mamaya!"

"Ako din..."

"Tsk, tapos na ba assignment niyo?"

"Opo."

"Hindi pa," ngumuso si Aien.

"Tara na, nasaan ba?"

"Hindi ko kaya, mataas 'yung x-x nila." Reklamo niya habang dumukot sa bag.

"Nag-aaral na kayo ng multiplication?" Takang tanong ko nang mapagtanto ang sinabi niya.

"Opo."

Anak ng--? Preparatory pa lang ito, ah? Paano?

"Sabihin mo nga diyan sa teacher mo na huwag naman bilisan ang pagturo." Natigilan ako lalo.

Ang advance naman? Ang multiplication namin noon ay 2nd Grade.

"Eh, gusto namin." Siya naman pala ang may gusto. Napakamot siya ng ulo.

Itinulak ko ng marahan si Levi sa pagkakahiga. Kinuha ko ang notebook ni Aien at pinagmasdan.

292×43=? Bakit naman ganito kataas?

"Ang taas naman."

"Kaya ko."

"Sabi mo hindi?"

"Tinamad lang ako," isang lokong ngiti ang sumilay sa labi niya.

"Bilis, sagutan mo na. Tinuruan na kita, hindi ba?" Pagpapaalala ko at inilapag ang notebook sa papag. Naupo siya sa sahig bago nagsulat.

"Opo."

"Sige nga, 292 times 43?" Saglit siyang tumingala at ganoon na lamang siyang kabilis sumagot.

"12 thousands." Thousands? "Tapos... Hm? 12 thousand 554?"

"Kulang," pagc-compute ko sa calculator.

"Ah, 12 thousand 556..." Mabilis na isinulat niya iyon nang mapagtanto.

"Ito." Itinuro niya.

Gusto niya talagang ako pa ang magbabasa sa harapan niya.

"96 plus 564 muna--"

"660!"

"Divided by 4?"

"..."

"237." Inungusan ko si Levi nang siya ang sumagot.

"Huwag mong turuan, palibhasa ikaw alam mo na." Pagtuturo ko kaya humingi siya ng tawad. "Okay. Ilagay mo na, bonus 'yun."

"Ate, may kilala ka bang lalaki na pangalan Ryl?" Natigilan ako sa tanong ni Levi maya-maya.

Onto Another You: Next Dimension (Side of the Universe #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon