Chapter 7 : Goal

45 7 0
                                    

"Ate, pwede sama maya sa may ano..." Sandali siyang naisip at tumingin sa bubong. "'Yung nisisipa mo?"

"Ah! Soccer? Bawal daw bata d'un."

"Ba't?"

"Kasi sa school 'yun, inside academy lang. Bawal." Inayos ko ang buhok niyang gulo-gulo dahil kagigising lang.

"Sige. Susunod sama ako." Tumango na lang ako at inayos ang pinaghigaan.

"Maligo na kayo, sino una ngayon?" Lumingon ako sa dalawang nakahiga pa. As usual, nakadagan na naman si Aien sa Kuya Levi niya.

"Ako po," sagot ni Aien.

"Bilisan mo may pasok pa tayo," marahang itinulak ni Levi ang kapatid na nakadagan sa kanya upang makatayo.

"Kuya, d'un ka lang sa labas, ah?" Natawa ako ako sa sinabi nito.

"Oo, sige," tumango-tango lang ang ito at nagkamot ng ulo.

Sa nagdaang taon, nakikita ko ang pagiging productive nilang magkapatid. Hindi ko sila nakikitang nag-aaway, kung mag-away man sila ay parang asaran lang.

Si Aien sa murang edad naranasan niya nang magwalis at maghugas ng plato. Ayaw nga ni Mama ngunit kahit 5 pa lang ay gustong-gusto niya na tumulong sa gawaing bahay. Si Levi naman, madalas nakahiga pero nagv-volunteer maghugas ng pinggan. Tuwing weekend ay tinutulungan niya lang si Mama maglaba.

Ako sa lahat. Plantsa. Laba. Kahit mapasma na ako dito ayos lang.

"Ate, mag-boyfriend ka na."

Wala sa sariling ibinato ko ang kumot na nakatiklop. Sinakop niyon ang kabuuan ng ulo niya kaya napaupo, imbes na umangal ay tumawa lang siya.

"Ikaw?" Turo ko nang muntikan nang matumba. "Ayusin mo buhay mo, at mag-aral ka ng mabuti. Huwag mo pinakikialaman love life ko," saway ko.

Ayan na naman mga natututunan niya sa kaibigan.

"Bakit ang haba paliwanag mo? E isa lang naman sabi ko." Muli niyang itiniklop ang kumot at maayos na inilapag sa papag.

"Bakit nakikialam ka sa love life ko?" Mahinahon pero may awtoridad kong tanong.

Kamot-ulo pa rin siyang nagtungo sa lalagyanan ng damit at kinuha ang sando. "Nababagot ako dito, wala akong kausap."

"Ano? A-ano namang kinalam--"

"Wala, mukha kang malungkot." Ngumuso siya. "Gusto ko din ng kausap. Tapos, parang may kulang sa 'yo."

"Hm?" Kung makapag-isip naman ito parang 25 years old. "Opo, Kuya. Huwag kang mag-alala next time hahanap na ako. Okay?"

"Ngayon na, Ate." Aktong babatukan ko siya nang dumating si Aien, pinupunasan ang buhok.

Hindi ko ugali mambatok ng kapatid. Sampal, oo.

"Oo nga Ate. Kahit sino naman basta mabait."

Napaka-demanding ng mga kapatid ko. Mas bata pa ito sa akin.

Nauna silang umalis. Nagpahuli na ako para sa paaralan.

Onto Another You: Next Dimension (Side of the Universe #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon