Chapter 47 : Heartbeat

168 7 2
                                        

Sa 'yo ako natutong magmahal ng hindi sobra, iyong tamang-tama lang para sa ating dalawa. Ngayon, ako na lang mag-isa.

Kaya ba ganoon ang lamig ng pakikitungo niya? Tanong ko sa sarili.

"Naya!" Bungad ni Tita. Umuwi na ako mag-isa, naglakad dahil walang pamasahe at masakyan. "Ang sabi ko ay susunduin ka namin."

"Pasensya na po..." Tuluyang bumagsak ang ulo ko, napayuko. Muling pumatak ang sunod-sunod na luha sa mata ko, hindi ko mapigilan ang pamumugto nito.

"What happened?" Napailing na lang ako, pilit pinapigil itong paghagulgol at nararamdaman ko.

Maya-mayang naramdaman ko ang marahang yakap niya, hindi ko na napigilan ang pagsabog ng puso ko.

Ngayon lamang um-epekto ang sakit. Sobrang sakit. Gustong-gusto kong magpahinga, baka-sakaling mabawasan ang tumutusok dito.

Nang makapasok sa loob ay patuloy pa rin ang daloy ng luha ko. Hindi ko man lang magawang makarinig ng ibang himno, itong sarili ko lang ang tanging naririnig ko.

"What happened? Naya, look at me..." Pilit akong tumingala sa kanya. Akala ko ay magagawa kong tumitig sa mga mata niya, ngunit hindi ko kaya.

Napatakip ako ng bibig gamit ang braso. Humahapdi na ang puso ko, hindi ko inaasahang mapapagod ng ganito. "Mahal k-ko po siya."

"Naya..."

"Anong nangyari sa aming dalawa?"

Rinig ko ang yapak niya palapit sa akin nang mapapikit ako. Hindi ko man lang magawang sabihin sa kanya ang nangyari, pilit naiipit sa nakabubuti o hindi.

Ramdam ko ang paghaplos niya sa likod ko, inilihig din niya ng konti ang ulo ko sa balikat niya habang ako ito, patuloy na nasasaktan.

"Ano ang nangyari? Sinabi niya ba?" Mariin akong umiling, nananatiling nakalihig sa kanya.

"Bumalik sa dating babae..."

"Nakita mo?"

Sunod-sunod akong tumango bilang tugon.

"Nai-kwento mo sa akin na gusto mong makipaghiwalay na sa kanya..." Malambing na tinig ni Tita. "Pero, hindi mo kasalanan, Naya..."

"Kahit sinong babae ay maaapektuhan sa oras na may makitang iba. O kahit pa sabihin mong nakipaghiwalay ka na, kahit ilang linggo na kayong wala ay maaapektuhan ka pa rin." Paliwanag niya.

"Hindi mo kasalanan kung bakit ka nasasaktan."

"Pwede na p-po ba akong matulog?" Pagiwas ko sa tanong niya. "Inaantok na po ako. Sobra..."

Kita ko ang emosyon sa kanyang mata, dahan-dahan siyang tumango at inalalayan ako. Dumiretso ako sa second floor, dala pa rin ang panyo kasama bigat ng kalooban ko.

Sandali akong natigilan nang makasalubong ang mga kapatid ko. Nakahinto sila sa isang tabi.

Nakita ni Aien ang mga luha ko, mabilis na nangusap ang mga mata niya. Habang si Levi ay nananatiling seryoso, nakaakbay lamang sa kanya at buhat si Vienna.

Ngumiti ako para hindi alintana ang sakit. Agad akong dumiretso sa kwartong itinalaga at isinara iyon.

Napasandal ako sa pinto, unti-unting dumaudos ang aking mga paa paupo doon. Nanghihina at namamanhid.

.

Nakahiga at malalim na nag-iisip. Nag-scroll ako sa Facebook account ko, bumungad ang litrato ng 4th year.

Ang section nilang dalawa ay magkasama ngunit, parehas silang nasa magkabilang dulo ng litrato. Ang babae ay matamis na nakangiti habang siya ay nananatiling seryoso na para bang hindi masaya.

Onto Another You: Next Dimension (Side of the Universe #2)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon